14th Quarter

99 3 0
                                    

C  H  A  P  T  E  R     F  O  U  R  T E  E  N

    6 days After...

Day of the Second Game

The Wolves VS  Ghastly Lions

Drei's POV

"Alis na po ako." paalam ko sa Mommy at Daddy ko.

"Mag ingat ka. And Goodluck sa game niyo, anak." sabi ni Daddy.

"I will pray for you, anak." dagdag naman ni Mommy saka binigyan pa ako ng halik sa cheeks.

Napatawa nalang ako.

"Mommy talaga."

Nagpaalam uli ako saka naglakad na papuntang Gym kung saan magaganap ang laro namin. Malapit lang naman kaya naglakad nalang ako. Exercise na rin to.

Tiningnan ko ang orasan ko.

9:03 AM. Magsisimula ang laro ng 9:45. Masyado pa namang maaga.

"Drei!"

"Captain!"

Napalingon ako sa tumawag. Napangiti ako nang makita ko sina Maju at Lay na papalapit sa akin.

Ngayon ko lang napansin, magkamukha nga ang dalawa. Mga cute.

"Good Morning!"

Nginitian kaagad ako ni Maju.

"Good Morning din. Oy, galingan niyo mamaya ha. Balita ko, magagaling ang mga kalaro niyo ngayon."

"Alam ko yun. Kaya nga todo ensayo kami noong nakaraang linggo."

"Oo nga ate. Wala ka bang bilib sa amin?" dagdag pa ni Lay.

"Meron! Bilib ako sa inyong lahat!"

"Heh. Lalo na kay Alex no?" panunukso ko.

Pansin ko kasing laging nakasunod si Maju kay Alex. Pansin ko rin na panay ang tingin nito kay Alex. Binibiyan pa niya ng chocolates.

Ngayon ko lang nakitang ganoon si Maju. Mula Elementary mag classmate na kami. Kaya nakakapanibago na parang nagkakainteres na si Maju sa isang lalaki. Gayong mga anime at kpop lang ang alam kong naging boypren ng aling maliit na ito.

Nakita kong namula si Maju.

"Heh! " asik niya.

Tinawanan namin sya ni Lay.

"Defensive."

Habang nagtatawanan kami, biglang tumunog ang cellphone ko.

*"Psst! May Nagtext!"*

Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang message na galing kay Kaye.

Awtomatikong napangiti ako nang makita ang pangalan niya.

Damn this girl.

"Uyyyy. Sino yan?" usisa ni Maju.

"Sekreto, madam Maju."

Tiningnan ko ang message.

------------------------------------------------------

From: Kaye

Drei, manonood ako ng laro niyo ngayon. Galingan mo ha.

(^.^)

--------------------------------------------------------

The Ace PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon