C H A P T E R T W E N T Y
Shasha's POV
"Good Morniiiiiiiiing!!!"
Hinalikan ko kaagad ang parents ko pati na rin si Tri sa pisngi. Nakangiti akong umupo sa upuan ko. Agad akong kumuha ng pagkain..
"Mukhang masaya ka ngayon, Bonifacia."
Kung dati ay naiinis ako, ewan ko ba at nginitian ko pa si Tri kahit na tinawag niya ako sa pesteng pangalan na yun..
"Aba. Anong nakain mo at hindi ka na highblood kapag tinatawag kita sa maganda mong pangalan?"
Nginitian ko uli si Tri. "Okay lang. Ganoon rin naman kaganda ang pangalan mo, Trinidad."
Sumimangot lang si Tri. Wala syang magagawa. Ang ganda talaga ng aura ko. Dahil lang naman sa love life ko.
"The feeling is mutual."
Syet. Okay fine! Keneleg ako dun.
Di ko na patatagalin ang paghihirap ni Hero. Sasagutin ko na talaga sya. Kahit isang taxi driver lang si Hero, the hell I care. I like him. A lot.
"Earth to Bonifacia!"
Napatingin ako kay Mom. Nginitian ko lang sya. Hihihi... Ang harot kasee...
"May boyfriend ka na ba, Shasha?" biglang tanong ni Mommy.
"Wala....pa."
"Anong pa?! Bakit? May bago na namang nanliligaw sayo?" marahas na tanong ni Trinidad.
Napa roll eyes pa ako. "Eh ano ngayon? Marami talagang manliligaw ang kapatid mo dahil maganda ako."
"Oo. Pero hindi naman yan ang dahilan kaya ka nililigawan eh. Dahil lang yan sa pera mo."
"Trinidad!" saway ni Dad.
Pera? Oo totoo. Pero hindi si Hero. Sya pa nga ang laging nagbabayad kapag nag de-date kami..
"It's not like that. Iba sya, Tri. He's.... different. He's not a liar and he wont just break my trust."
"Sigurado ka na ba talaga sa binatang yan, Bonifacia?" tanong ni Dad.
Sigurado ako. Siguradong sigurado.
"He will make me happy, Dad."
"Kung ganoon, kailangan namin syang makilala. Dalhin mo sya rito, Sha." tugon naman ni Tri.
"Dadalhin ko sya rito kapag hindi na sya busy. Hihihihi. Oops! He just texted! "
"Morning, Bonifacia."
Hahaha! Akala niya maiinis ako. Kinilig nga ako eh. Ikew telege Hero...
Ang saya ko talaga. Grabe. Baka may kapalit to. Juice colored. Sana di naman masyadong mahirap. >_____<
*****
Hero's POV
"May tinatago ka ba?"
Napahinto ako sa pagreply kay Shasha nang magsalita si Tri. Nasa tabi ko na pala sya.
Hindi pa pala niya alam ang tungkol sa amin ni Shasha. Pero hindi pwede. Malalaman ni Tri at ng buong team ang sekreto ko.
"Anong tinatago?"
"Lagi ka nalang umuuwi agad. Hindi ka na rin nakikipagdakdakan. Ano bang nangyayari sayo?"
"Wala ka na dun. Pwedeng wag ka nalang makialam?"
Tiningnan lang ako ni Tri.
sorry brod.
"Tri, may naghahanap sayo." biglang tawag ni Chad.
Tiningnan ko kung sino ang naghahanap kay Tri. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si
Vee. Oo nga pala nililigawan ni Tri si Vee. Teka, sila na kaya?
"Kayo na ba ni Vee?"
Ngumisi si Tri. "Pwedeng wag ka rin makialam?"
Iniwan na nya ako at pinuntahan si Vee.
"Hero, hinahanap ka sakin ni Tatay kaya magpakita ka raw kahit sandali lang. Hindi puro babae ang inaatupag mo." sabi pa ni Vee.
"Oh, so meron ka palang babae ngayon?" pakisawsaw pa ni Tri.
Inismiran ko lang sila. Mabuti nalang at sinabihan ko si Vee ma wag sabihin kay Tri na magkatrabaho kami sa Greenwitch.
Lumakad na ako papalayo. Ipinikit ko ang mga mata ko habang isinaksak ko ang headset ko. Mag iisip nalang muna ako kung ano ang gagawin namin ni Shasha mamaya.
"May kasama pala ako" naririnig kong Convo nina Vee at Tri.
"Talaga? Sino?"
"Si.. Ah! Ayun sya. Nasa malapit lang ni Hero."
Napadilat ako na parang may magsabi sa aking dumilat nga ako.
And there... I saw Shasha. With a face full of questions.. and the eyes full of anger.. In front of me..
"Sha..."
+++++
Nakakastress ang College Life! I really want a normal University with normal people and with normal professors.
In short, I want a normal life. *sigh*
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?