22nd Quarter

75 2 1
                                    

C  H  A  P T  E  R  2 2

TRI'S POV

"I cant believe that Hero and my sister had a relationship."

Napatingin sa akin si Vee. Nakaupo lang kami sa bench malapit sa basketball court sa subdivision namin.

"Meron silang sariling problema. Wag ka nang makisali pa." sabi ni Vee.

"I cant! Bonifacia is my sister. And that jerk was my friend. WAS my FRIEND! Fvck him!"

Napatingin nalang ako sa langit. Walang mga bituin. Uulan na naman.

Ito na ata ang pinakamahbang araw sa buong buhay ko. Sa sobrang daming nangyari, hindi na ako makapag isip ng tama. And this is not me.

"Ikaw Vee. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Hero?" tanong ko.

"Pinakiusapan niya ako. Kaibigan ko sya kaya pumayag ako. At nakita ko kung gaano niya pinahalagahan ang relasyon nila ni Shasha."

Napatingin ako sa kanya. "Pinahalagahan? He lied to everybody! And the biggest factors in a harmonious relationship is honesty and trust. Sa simula pa lang, wala na ang mga factors na yun. Dahil sa simula pa lang, niloko na niya kaming lahat."

"May rason si Hero kung bakit niy ginawa yun."

'' Reason?! Ah yes! Because of his stupid ego."

"Ano ba Tri! Pinapunta mo lang ba ako dito para may mapagsabihan ka kung gaano ka gago si Hero?!"

Natahimik ako.

Tumayo sa harapan ko si Vee.

"Nagsinungaling nga si Hero, pero kay Shasha lang. Sa inyong mga kaibigan niya, may itinago lang siya. Hindi niya kayo niloko! Masama bang magtago ng sikreto?!"

Bakit parang naiiyak si Vee?

"Masama bang magtago ng sikreto kung alam mong iyon ang makakabuti? We have our own reasons Tri. Kung kinakailangan itago ang isang bagay, gagawin mo yun dahil alam mong para iyon sa ikabubuti ng isang taong mahalaga sayo. Reasons. Yun ang iconsider mo bago ka mag salita ng kung ano ano. Dahil ang mga ganyang tao, walang alam at mga walang kwenta."

"Vee.."

"Kung totoo kang kaibigan, iintindihin mo sya, Tri."

Hindi ko na napigilan si Vee nang bigla nalang syang tumakbo paalis. She was crying.

Ganoon ba kaimportante si Hero sa kanya?

O baka naman may sarili syang pinaghuhugutan?

Dumarami na ata ang problema ko sa mundo.

"AISH!!!!!"

*****

Maju's  POV

"Hero!! Nasaan kaba? Sumagot kanaman o! "

Naiirita na talaga ako. Pang ilang tawag ko na pero hindi pa rin sinasagot ni Hero ang cp niya.

Nasaan na kaya yun?

"Alis lang po ako saglit, Pa!" paalam ko kay papa habang dali daling sinusuot ang tsinelas. Kumuha na rin ako ng payong.

"Ha? Saan ka naman pupunta?"

"May... ahm bibilhin lang ako saglit."

" O sige. Mag ingat ka."

"Opo!"

Nang nakalabas na ako ng bahay,nakasalubong ko si Lay.

"Saan ka pupunta ate?"

"Hahanapin ko si Hero."

The Ace PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon