C H A P T E R T W E N T Y - O N E
Hero's POV
" Sha..."
Nakatingin lang sya sa akin. Wala akong mabasang emosyon.
"I was.. so stupid." sabi niya habang nakangisi. Pero kahit nakangisi sya, alam kong nasasaktan siya.
"What's going on?" biglang sabat ni Tri. "What are you doing here Bonifacia?"
Wala akong pakialam kay Tri. Na kay Shasha lang ang tingin ko. Nasa kanya lang ang atensyon ko.
"G-gusto ko lang naman, makilala ang mga teammates mo, Trinidad." sagot ni Shasha habang nakatingin sa akin.
what the HELL?!
"Ah ganoon ba? Siguro naman kilala mo si Hero. May lakad yung iba eh."
Shasha smiled. Ngiting hindi ko gustong makita.
'' Kilala ko nga si Hero. Kilalang kilala." sabi niya.
"Sha..."
"Wait. Parang may nangyayari."
"Akala ko sa Greenwitch lang kita makikita. Dito rin pala sa school namin. Ang galing."
Naglakad na palayo si Shasha.
"Sha, let me explain."
Susundan ko na sana si Shasha nang hablutin ni Tri ang damit ko. Mukhang nakuha na niya ang sitwasyon.
"Is there something going on between you and my sister?" nanlilisik ang mga mata ni Tri. "Siya ba ang babaeng pinagkakaabalahan mo?"
"Tri, bitiwan mo si Hero." pigil ni Vee.
Binitiwan ako ni Tri. "Wag mo muna akong pakikialaman."
Tumakbo ako at sinundan si Shasha. Ill deal with Tri later.
*****
Shasha's POV
Pinunasan ko ang tumulong luha. Why am I crying again?
"Sha!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya.
Nang nahablot na niya ang braso ko, wala na akong nagawa kundi ang tingnan siya.
"Let me explain. Everything. Ill tell you everything." humihingal na sabi ni Hero.
"Wag na. Di ba dapat noon mo pa sinabi ang lahat? Di ba dapat wala kang tinatago sakin? Di ba dapat di ka nagsinungaling? Huli ka na. "
Tears just flow and I cant seem to stop these anymore.
Niyakap ako ni Hero. "I like you very much, Sha. Naduwag ako kaya di ko nasabi."
Pilit akong kumakawala sa yakap niya... kahit ako mismo, nagugustuhan ang yakap ng lalaking sinasaktan ako ngayon.
"Damn You! You liar! I trusted you fucking bastard!!! It freaking Hurts! Let Me Go!!!!"
"Naduwag ako na baka kapag nalaman mong nag aaral ako sa paaralan niyo, malalaman rin ng mga kaibigan ko kung ano ang totoong ako. At baka isipin mong, pera lang ang habol ko sayo."
"Hindi kita maintindihan!" Sa wakas ay pinakawalan na niya ako.
"Natatakot akong... malaman nila na ang tulad kong mahangin, isang hamak na hampaslupa lang. Isang waiter at isang taxi driver. Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong pagtawanan nila ako. At ayokong isipin nila na nagustuhan lang kita dahil may pera ka. "
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?