19th Quarter

85 5 1
                                    

C  H  A  P  T  E  R    N  I  N  E  T  E  E  N

Maju's POV

"Hmm...yeah...oooohh.. Oh yeah... Hmmm."

Kumakanta kanta lang naman ako habang inilalagay sa bag ni Ace ang daily chocolates ko para sa kanya. And when I say daily, it means everyday.

One week ko na rin syang binibigyan ng chocolates.

May practice kasi sila ngayon kaya siguradong hindi niya mapapansing nilalagyan ko ang bag niya ng mga tsokolate.

Ipinadikit ko na rin ang note ko sa chocolate.

"Smile! :)"

Napangiti ako. Sana naman magustuhan niya. Nawala ang ngiti ko nang maaalala kung bakit ko ginagawa ito. Pero tila ba hindi na yun ang tanging dahilan. Minsan, napapansin ko nalang na nawawala na sa isip ko ang FBSO.

I like doing this. Parang may goal akong gustong makita. Makita sa mukha ni Ace.

I want to see him smile.

"Magustuhan mo to, Ace. Kung hindi..."

"Kung hindi ano?"

Napangiti ako. "Kung hindi..iki-kiss kita."

Tehee...

Weeeeeeee...

"Talaga?"

"Oo nam----waaaaaaaaaaaaa!!!!!!"

Napatayo ako at dumikit sa mga lockers habang hinihingal!

Syete! Kanina pa ba si Ace dito?!

Naka cross arms si Ace habang nakatingin sa akin.

Pawis na pawis sya habang may nakasabit na towel sa balikat niya.

Ooh.. La la..

"Ah .  A-Ace! J-jo-joke lang yun. Hehe. Joke lang talaga yun."

Kinuha ni Ace ang mga chocolates. Nabigla ako nang umupo sya at kinain ang mga chocolates ko.

O-okay.

Umupo ako sa tapat niya. Walang expression si Ace habang kumakain. Mukhang may malalim na iniisip.

Ilang sandali lang ay naubos na niya ang mga chocolates niya.

Uminom sya ng energy drink.

"N-nagustuhan mo ba?" di ko mapigilang itanong.

"Bakit? Hahalikan mo ako?"

Nag init ang mga pisngi ko. Walangya!!!!! At dahil sa pagkapahiya, nasuntok ko ang braso niya.

"Heh! Makaalis na nga."

Tumayo na ako at lumabas na ako sa locker room.

Napansin kong tapos na sila sa practice. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang pagngiti nina Hero at Tri habang may katext. Magkatabi pa sila.

Psh. Ang harot.

"Mga inlove."

Napalingon ako sa katabi kong si Lay. Kinuha ko ang towel niya at pinunasan ko ang pawis niya.

"Ang baho mo. Maligo ka na doon sa locker room niyo. Nandoon na rin si Ace."

"Wow. Alam mong nandoon si Ace?!"

Napahinto ako sa pagpupunas ng likod niya.

"Hindi! N-nakita ko lang syang pumasok!"

Napatawa nalang si Lay at pumasok na sa locker room.

The Ace PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon