C H A P T E R T E N
We'll focus on the other Characters lang muna.
(^_________________^)
*****
Drei's POV
"Andrei!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Uy.
Akala ko yayakapin niya ako....
*Tugsh*
"Arouch!"
Hinimas himas ko ang pisngi ko. Bat ba to nanampal?!
"Hoy Kaye! Bat ka nananampal?!"
She crossed her arms and smiled sheepishly. "Wala. Bawal ba? Di ka na nasanay!"
Napangiti na rin ako. "Can I have a hug now?"
"Ofcourse you may."
Ginawa namin ang secret handshake namin saka niyakap ang isa't isa.
Its been a while. Magkababata kami ni Kaye at mula elementary hanggang Third year ay naging magkaibigan na kami. We are bestfriends. Hanggang sa.... well..
Bigla syang nagtransfer sa DPW High at doon na nag aral. Kaya di na kami masyadong nagkikita ay dahil naging busy rin siya sa pagti-training para mapalakad ang kumpanya nila.
"Kumusta na? Balita ko nanalo kayo sa unang game niyo? Congrats ha." sabi niya habang kumakain kami ng paborito naming Ice cream.
"Oo nga. Laking pasalamat ko sa freshman na member namin ngayon."
"Wow. Freshman? Galing ah. Kailan naman yung second game nyo?"
"Sa pangalawa." Napahinto ako. "Kalaro na namin ang team nyo."
Napatigil rin si Kaye. "DPWH's Ghastly Lions."
Napakunot ang noo ko. Bakit parang natatakot si Kaye?
"Something wrong?" di ko mapigilang itanong.
Ngumiti si Kaye. " W-wala. Manonood ako ha kaya galingan niyo. At... atsaka, mag ingat kayo. Masyadong agresibo ang mga myembro ng Lions."
Nabalitaan ko rin yun. Last year hindi namin sila nakalaro dahil hanggang second round lang kami. They made it hanggang sa top 6.
"Dont worry. With the help of our new members, makakaraos rin kami."
Nginitian ko sya at nagpatuloy na sa pagkain ng ice cream.
"Drei?"
Napatingin ako sa kanya. Bakit ganoon? Parang nababahala si Kaye?
"Bakit?"
Hinawakan niya ang kamay ko. It was natural. Pero parang nanibago pa rin ako. Siguro dahil na rin matagal na kaming hindi nagkikita.
"May problema ba?"
Lalong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.
"Mag iingat ka.. kay Atom Madrigal."
Atom Madrigal?
"Sino ba--"
"Wow. Katarina. May kasama ka pala?"
Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Tatlong lalaking may malaking katawan.
Napatayo si Kaye kaya napatayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?