Prologue
(Entrada)
(a/n: Rated K)
"Alex!!!! Nice steal! "
Agad akong tumakbo nang maagaw ko ang bola. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Pati na din ang tibok ng puso ko. Ipinasa ko ang bola kay Lay.
Okay. Kaya namin 'to. Tumingin ako sa score board.
The Wolves | Right Eagles
85 [4th] 87
Lamang ang kalaban ng dalawang puntos.
At labing limang segundo nalang ang natitira..
Ipinasa ulit ni Lay sa akin ang bola. Magaling ang nagbabantay sa kanya. Mas malaki kasi ang katawan at mas nakakalamang sa height.
*dribble *run *dribble *run
I stepped up my speed!
Kaya ko 'to.
Napahinto ako nang humarang si Ice, ang matindi kong karibal.
Ngumisi si Ice. "Ano na Alexander? Kulang kulang labing limang segundo nalang. Kaya mo pa ba?"
Tiningnan ko siya nang masama. Puro satsat lang ang isang to! Hindi na nagbago..
"10!"
Sampung segundo!
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng court. Puro may bantay ang mga team mates ko. Pagod na sila. At sa akin nalang sila umaasa.
"Let's go Alex! Kaya mo yang Yelo na yan!" sigaw ni Drei.
"9!"
Isip Alexander. Mag-isip ka.
Sinubukan ko siyang iwasan pero di talaga ako makalusot. Mas gumaling si Ice sa depensa.
"ACEEEE!!!!!!!! Wag kang magpakagago dyan! Akala ko magaling ka!"
(O__O)
Ang sigaw na yun. Siya lang ang tumatawag sa'kin ng ACE.Di ako pwedeng magkamali. Ang maliit na babaeng may napakalaking boses. Nag-iisa lang sya.
Napatingin ako sa mga manonood. Nandoon sya. Kahit maliit, nakikita ko pa rin siya. Siya nga lang ata ang nakikita ko.
"8!"
"Kaya mo yan, Ace!", sabi nya habang nakatitig sa akin.
Tila ba huminto ang lahat nang isigaw niya iyon. Gusto niya kaming manalo. At gusto niya ako ang magpanalo..
A smile suddenly crept into my face.
Nakita kong nagulat si Ice. Sino nga naman ang ngingiti sa bingit ng kamatayan? At ngayon lang ako ngumiti sa kanya.
"7!"
At dahil doon, alam ko na ang dapat gawin.
Tiningnan ko si Tri. Ito nalang ang tanging pag-asa. Ngumiti sya at tumakbo na sa pwesto.
"Sino nga ba ang matatalo sa atin?" tanong ko kay Ice na ikinabigla niya.
I know I have destructed him kaya agad akong tumakbo at nilusutan ang depensa niya.
"6!"
Itinaas ko ang kamay ko at akmang ishoo-shoot ang bola.
"Pipigilan kita,Alexander!" sabi ni Ice at biglang tumalon.
Lalo akong napangiti. Kumagat ka din sa patibong ko.
Ibinaba ko ang mga kamay ko at tumakbo sa pwesto. Nang ipapasa ko na kay Tri ang bola,
napatingin ako sa pwesto ng babaeng maliit sa mga manonood, wala na siya doon.
Nasaan na sya? Kanina lang ay sumisigaw siya!
Naalarma ang sistema ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapadako ang tingin ko sa EXIT ng Gym. Nandoon Siya! Aalis siya!
"Alex! Ano pang ginagawa mo! Ipasa mo na!" sigaw ni Lay.
Nasa laro ako. Ito na ang championship na matagal ko nang inaasam. Ilang buwan kaming nag ensayo para sa araw na ito. Kailangan naming manalo. At tatalunin ko pa si Ice.
Pero... gusto kong sundan at pigilan siya sa pag-alis. Di ko makakaya kung iiwan niya ako.
"4!"
Parang slow-mo ang lahat. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko. Lahat sila nakatingin sa bawat kilos ko. Pero ako... nakatingin lang sa nilabasan ng babaeng iyon.
Huminga ako nang malalim. Ano nga ba ang mas mahal ko? Ano ba ang dapat kong piliin?!
Ang Basketball o siya?
"3!"
Napangiti ako. Oo. Alam ko na kung ano ang mas mahal ko. Alam ko na kung ano ang mas mahalaga para sa akin.
Tumakbo ako nang mabilis at walang pagdadalawang-isip na ipinasa ko na kay Tri ang bola.
Ikaw na ang bahala, Tri.
Sa unang pagkakataon, ngumiti ako sa harap ng mga ka team mates ko.
"ALEEEXXXXX!"
Narinig ko ang mga sigaw nila.
"2!"
Bahala na. Basta sigurado na ako sa pinili ko. At hindi ako magsisisi sa desisyon ko.....
"1!"
*Eeeeeeeeennnnnnggggggkkkk*
"Game Over!!!!!!"
....dahil ito ang sinisigaw ng puso ng isang....
...ACE player.
***
A U T H O R ' S N O T E
Hi people ! How are you?
Sana nagustuhan niyo. Na-adik kasi ako sa animé na Slam Dunk. First time yun! At na-inlove ako kay Rukawa-bebe. Weeeeeeeee!
Dedicated sa pinsan kong girlfriend ni Sendoh. Hahahahaha!!!!!!
Pasensya na po.
Anyway, ito ang dahilan kaya naisip ko tong kwentong ito.
Opo, masyadong cliché ang storyang ito. Pero it will surely give you a different feeling.
Kaya Guys! Suportahan niyo ako :)
Please Vote and Comment ! :)
Kamsahamnida! Arigatou ! Salamat ! (*.*)
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?