C H A P T E R S E V E N
Maju's POV
Eto na! Nagsimula na ang unang laro ng The Wolves. Kalaro nila ang Tiger League mula sa GSIS University.
Marami ang nanonood na taga GSISU. Pero marami din sa SSS Academy. Pero nakapagtataka na marami ang nakikita kong freshmen na mga babae. Mahilig pala ang mga babae sa sports na to?
"Yosh! Maiwan muna kita Maju. Mag pipicture picture lang ako." paalam ni Kazely.
Hay! Mag-isa na naman ako. Ang energetic naman ni Kazely. Noong mga nakaraang linggo, hindi naman sya ganoon. Hay. Bipolar talaga.
"Go Tigers! Go Tigers! Go Tigers!"
"Kaya nyo yan Tigers!"
"Go Papa Mark!!!"
"Talunin mo yan Luke!!!"
"Patumbahin mo sila John!"
"Paiyakin nyo ang Wolves, Matthew! Tapusin nyo ang laban,Acts!!!"
(-_________-)
Orange Team - Tiger League
Jersey # 3 - Mark
Jersey # 6 -Acts
Jersey # 9 - Matthew
Jersey # 12 - Luke
Jersey # 18 - John
Wala na. Parang talo na ang The Wolves sa maiingay na cheer palang ng kalabang school.
"Urghh! Ang iingay ng mga taga-GSIS! Nakakainis!" narinig kong sabi ni Hero. Sa di ko malamang kadahilanan, pinaupo ako ni Coach sa bench ng mga players.
"Oo nga. Nakakasira ng concentration." dagdag pa ni Lay.
Tiningnan ko ang kapatid ko. Kitang kita sa mukha niya ang kaba. Pati na rin sa ibang mga myembro.
Napakunot ang noo ko nang mapatingin ako kay Alex.
(0_____________O)
Bakit sya natutulog?!!!!!!!!!
"Kung papansinin niyo ang mga cheers nila, talagang masisira ang konsentrasyon niyo. Kaya wag kayong magpa apekto! Naiintindihan niyo ba?" saad ni Coach Lulu.
"Opo!!!"
White Team - The Wolves
Jersey #1 - Drei
Jersey #3 - Tri
Jersey #5 - Hero
Jersey #9- Lay
Jersey #11- Alex
"Galingan niyo F5. Sayo nakasalalay ang tagumpay ng team." sabi ng isa nilang ka teammate na si Chad. Hindi ko sya kaklase pero naging ka close ko na rin siya dahil nqpakabait niya.
"Wag kang mag alala, Chad. Tatalunin ko ang mga tigreng yan!" pagmamalaki ni Hero.
Wooooo! Nagsimula na namang humangin.
"As if!" bulong ni Tri.
"Anong sabi mo, Trinidad?!!!"
Nilapitan ni Tri si Hero. Face to Face na ang dalawang kolokoy.
"Hinahamon mo ba ako ?!"
"Bakit, papalag ka?!"
Eto na naman sila. 'Naglalambingan' na naman.
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?