C H A P T E R S I X T E E N
Maju's POV
"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa kanila?"
Iniwas ni Hero ang tingin niya sa akin. Hay!
Day off ni Hero kaya inimbitahan ko sya.Pero sa Greenwitch pa rin kami nagkita. Dito na rin kami kumain. Gusto daw kasi niyang bumenta ang Fast Food nila, para lumaki laki naman ang sweldo.
"Ano ka ba naman. Hindi pa nga ako handa eh. At saka, kailangan ko pa bang sabihin sa kanila? I mean, makakaapekto ba yun sa buhay nila?"
Sinipa ko sya sa ilalim ng table namin.
"Aray!"
Dahil sa sigaw niya, halos lahat ng mga kumakain ay napatingin sa banda namin.
"Ano ka ba naman, Maju. Maliit ka nga pero kung makasipa, parang malaking tao. Tss."
"Heh! Tumigil ka. Alam mo ba yang sinasabi mo?! Paanong hindi makakaapekto sa buhay nila?! Di ba nga kaibigan mo sila? Dapat---"
"Kaibigan? Mga ka team mate ko lang sila, Maju. Hindi kami ganoon ka close para maging magkaibigan."
"Si Drei? Si Lay? Si Chad? Si Ace? Si Tri? At yung iba pa. Hindi mo sila tinuturing na kaibigan?!"
"Itigil na natin ang usapang to."
Bigla nalang syang tumayo. Kaya napatayo na rin ako.
"Hero!"
Tumingin sya sa akin. With his unusual gaze. A serious one.
"Buhay ko to. Kaya, mas mabuting wag ka nalang makialam."
Ilang sandali lang kaming nagkatitigan. Hanggang sa umiwas na sya ng tingin at iniwan ako.
Napabuntong hininga nalang ako at napaupo. Nakakapagod. Bakit naging ganyan si Hero? Akala niya, wala syang kaibigan. Mga bata talaga.
"Maria Julianna."
Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Drei, Chad at Kaye.
Nginitian ko sila. "Hi! Kumusta?"
Kumuha sila ng extrang upuan at nakisalo sa table namin ni Hero na obviously, iniwan ako.
"Sinong kasama mo? May ka date ka ba?" biglang tanong ni Kaye.
"Yucks. Wala no! Nagkita lang kami ni..."
Patay! Dapat di nila malaman na nandito si Hero.
"Nino?"
Napatingin ako sa nagsalita. Ngek!!!
(-____-!!!!!) Nandito rin pala si Tri.
Umupo sya sa tabi ko at inilapag ang binili niyang sapatos na nakasupot.
Magkasama pala ang apat. Tss.
"Nino nga?" ulit ni Tri.
"Ng isa sa mga elementary friends ko. Yun! Nagusap kami dito... pero parang.. ahm.. nagmamadali sya kaya ... umalis sya agad."
Tumango tango lang si Tri.
Nakahinga ako ng maluwag. Pero nang mapatingin ako kay Drei, Kaye at Chad, parang tumaas ang mga balahibo ko.
Mataman kasi silang nakatingin sa akin.
"Tara, order na tayo." suhesyon ni Tri kaya naagaw niya ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?