C H A P T E R E I G H T
Maju's POV
"Fast Break!!!!!"
Napapanganga nalang ako habang nanonood. Napakabilis ng mga pangyayari. The Wolves turned Defeat to Victory.
Mula noong nagbigay ng pustahan si Alex, naging agresibo na siya kasama ang apat.
Three points at mga astig na shots nina Tri at Alex ang naging susi sa comeback nila.
Ang mga hiyawan ng mga estudyante ng GSIS ay tila ba naglaho. Naging tahimik sila.
At kaya pala marami ang mga babae ay dahil sa mga heartthrob ng The Wolves. Lalo na si Alex at Drei.
Tama si Coach Lulu.. Napakalakas ng team. Dagdag points nalang ang mga mukha nila.
Napatingin ako sa Score Board.
100-87 . Napakalaki na ng lamang ng The Wolves.
Drei was an amazing blocking machine.
Tri shot a dozen of three pointers.
Hero was strong and a great defense with his awesome jumping ability.
Lay was amazingly fast and smart when passing.
And Alex...
*Pooosh*
"Nice Shot Alex!!!!!!"
...he was amazing. His spirit lifted up the aura.
Siya ang nagkontrol sa larong ito.
*Eeeeeeennngkkkk*
"Time Over!"
Kasabay ng pito ay ang malakas na sigawan sa Gym. Pati taga kabilang school nag cheer na rin sa Wolves.
"118-94. The Wolves win." anunsyo ng referee.
Panalo kami. The F5 did it!!!!!
Pinagkaguluhan ng mga ka team mates nila ang F5.
Nagawa nila. Dapat akong maging masaya. Pero dahil sa isang rebelasyon, ang happiness napalitan ng anxiety.
"Alam mo na ba kung sino ang hinahanap mo?" biglang tanong sa akin ni Coach Lulu.
Hindi ako makasagot. Siya nga ang Ace. Siya ang tinanghal na best player of the Game.
Im worried. Kaya ko ba siyang pakisamahan?!
Paano ko naman kaya siya lalapitan?
"Ate!!! Panalo kami!!"
Agad akong niyakap ni Lay. Napakasaya ng kapatid ko.
"Congrats!!! Ang galing mo talaga!!!"
"Cutie pie."
Bigla akong pinakawalan ni Lay. Nabigla ako nang makita ko si Matthew. He looked devastated.
Tiningnan lang niya ako. Nginitian ko lang siya.
"Magaling ka pala eh. Pero sayang. Mas magaling sila."
Tila ba nabigla si Matthew sa sinabi ko.
"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" tanong niya habang nakangiti.
N-number ko?!!
"Ano ka ulol?! Hindi ibibigay sayo ng ate ko ang number niya." sabi ni Lay.
"Bakit naman? Gusto ko lang naman siyang maging textmate eh. At isa pa, napaka cute mo eh. Di ko mapigilan ang bugso ng aking damdamin."
Eh kung sapakin ko kaya to?!!!
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?