Fourth Quarter

161 5 0
                                    

C  H  A  P  T  E  R     F  O  U  R

Maju's POV

"Isang lasagna at isang iced tea po." order ko.

Nandito ako sa Greenwitch. Its a beautiful Saturday afternoon at napagpasyahan kong magngilay ngilay.

Humanap ako ng isang bakanteng table at umupo. Ilang customer na kumakain ang napalingon sa akin. Psh. Dahil ba sa solo flight ako? Langyang buhay.

Eto kasing Kazely na yun ay wala daw ganang umalis. Psh.

Hindi rin ako sinamahan ng baby Brother ko dahil na rin sa sama ng loob nya sa akin ng sumigaw ako noong try out. Kainis! Mas maarte pala talaga mga lalaki kesa sa mga babae.

"Ma'am, eto na po order niyo."

Ngumiti ako. "Ay, sala--teka!"

(O_________O!!!!)

Anong ginagawa niya dito?!

"Ikaw yung ate ni Lay?"

"Oo! Bakit ka nandito?!"

"Psh. Ano ba namang tanong yan."

Oo nga naman. Ang tanga mo Maju!

"Akala ko may practice kayo ngayong Sabado,ha? Eh bakit ka nandito, Hero?"

Nagkibit balikat lang si Hero at inilapag ang tray sa table ko.

"Nagtatrabaho ako para matustusan ko ang pag-aaral ko. Masama ba yun?"

Working-student.

Nang una ko siyang makilala, akala ko presko at happy-go-lucky lang siya. Kaya nakakamangha na ang isang Hambog na basketball player ay isang waiter lang ng isang fast food.

"Wag mong sasabihin sa iba. Kundi, lagot ka sa'kin." banta niya.

"Hoy, mas matanda ako sa'yo kaya gumalang ka. At saka, ba't ayaw mong malaman ng iba? Nahihiya ka?"

Hindi siya nakasagot. "Oo. Akala kasi nila, mayaman din ako. Kaya nakakahiya kung malaman nilang isang hamak na waiter  lang ako."

"Hay! Bat ka mahihiya?! Eh marangal na trabaho namam to. At saka kung totoong mga kaibigan nga ang mga barkada mo, siguradong tatanggapin ka nila nang buong-buo."

Maju's words of wisdom. Nyahahahahaha!!!!!!

Unti-unting ngumiti si Hero at kinamot pa ang batok na tila ba nahihiya.

"Salamat, Maju." tatawa tawang sabi ni Hero.

"Hoy! Galangin mo ako. Uulitin ko, junior ka lang, senior na ako."

"Eh hindi ka naman mukhang fourth year eh. Tingnan mo nga ang height mo. At saka mukha kang bata."

Napangiti ako. "Talagang baby face ako. Pero dapat galangin mo pa rin ako."

"Ayoko nga. Baka nga sabihin ng mga tao na mas matanda ako kesa sayo. Hahahaha!!!! Sa liit mong yan. At tingnan mo ang suot mo. At naka bag ka pang Dora. Mukha kang Grade 4. " tatawa tawang sabi niya.

Rrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!

"Hoy Hero! Marami pang trabaho. Wag kang makipagtawanan sa customer!" biglang sigaw ng isang babae na tila ba manager nila.

Napangiwi si Hero.

"Sorry Maju. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Sige! Salamat uli!"

The Ace PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon