13th Quarter

91 4 0
                                    

C  H  A  P  T  E  R    T  H  I  R  T  E  E  N

Maju's POV

"Ano nagustuhan mo ba? Masarap yung chocolate no? Sure akong di mo makakalimutan yun. At sure akong gusto mo bigyan kita uli." pangungulit ko kay Alex habang nakabuntot sa kanya.

As always, hindi ako pinansin ni Alex at nagtuloy tuloy lang sya sa paglalakad.

Lunch time ngayon. Papunta na sana ako ng canteen nang makita ko si Alex na nag iisa kaya binuntutan ko na sya.

As always, nakapamulsa si Alex habang naglalakad. Parang inaantok pa nga eh base sa expression niya.

Aware ako sa pagtitinginan ng mga schoolmates namin pero sure akong okay lang yun. Alam naman nilang hindi ko papatulan ang isang freahman.

Kanina ay nasa likod lang nya ako, ngayon, kasabay ko na sya sa paglalakad.

"Hoy! Magsalita ka naman. Hindi mo ba alam yung feeling na may kasama ka nga pero parang wala. Parang kinakausap mo lang yung hangin." pag dradrama ko.

Wa epek.

Nilagpasan na ako ni Alex. Ipinagpatuloy ko rin ang pagsunod sa kanya.

Mag isip ka ng topic.

"Alam mo, ang haba ng pangalan mo." komento ko.

"Tss."

Tadaaaaaaaan!!! Nagsalita na rin sya.

Noted by Maju

Tumawa ako. "Hehe. Pero mas mahaba pa ang pangalan ko kesa sayo. Pero you deserve to have a nickname. Hmmmm. Di ba?"

Hindi ako nakakuha ng sagot.

"Alexander Carl Evan. Common na masyado ang Alex. Ano kaya mas magandang nickname para sayo?"

Alexander.... Carl.... Evan...

Tadaaaaaaaaaaan!!!!

"Ah! Alam ko na.Tatawagin nala kitang ACE. Kinuha ko yung initials ng tatlo mong pangalan and tadaaaaa! ACE na ang nickname ko."

Ace... Bagay na bagay!!! Ace Player... Weeeeeeeeeeeee!!!

Biglang huminto si Alex---este Ace at hinarap ako.

Nagalit ba sya dahil bininyagan ko sya ng bagong pangalan?!

With his creepy pretty eyes..."Dont call me that."

Napakurap ako . Galit nga ata sya.

Iniwan uli ako ni Ace .

Napabuntong hininga uli ako. Ang hirap naman pakisamahan ang lalaking to.

Naramdaman ko nalang may umakbay sa akin.

"Haba ng nguso mo ngayon ah. Problema mo?"

Si Hero lang pala.

"Is it because of Alexander?"

(=_____________=) Nandito rin si Tri.

Kumawala ako kay Hero. "Nakakainis sya."

Tumawa si Hero. "Eh kung hindi ka si Maju, baka masabi ko nang may gusto ka sa isang yun."

Nani?!!!!!!!!   Paano ako magkakagusto sa isang.....

gwapo pero suplado?!!!!!!

"Heh!"

"Alam mo, gutom lang yan. Tara, kain tayo ng lunch. Libre ni Tri."

The Ace PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon