C H A P T E R F I F T E E N
Ganda's POV
(Third Person)
"Two minutes more! If The Wolves wont be able to show up, they will be disqualified. Thus, the Ghastly Lions will take the win and advance to the next round."
Napangiti si Atom sa narinig. Dalawang minuto nalang. Imposible nang makarating sa laro sina Drei at Lay. Pero nakapagtataka na pati ang buong team ay hindi magpapakita. Tagumpay ang lahat ng plano niya.
"Panalo na tayo, Atom." bulong sa kanya ni Neutron.
"Oo nga. Makakasama na naman tayo sa top 10!" segunda pa ni Proton.
"Ang galing talaga ni Ion. Napatumba niya si Andrei at si Leonardo." saad naman ni Electron.
"Maasahan talaga sya." napapangiting sabi niya.
"Ibig sabihin may ginawa kayo sa mga player ng SSS?" pagsali sa usapan ng Coach nilang si Sir M.
"Wala ka nang pakialam dun, tanda." pagbabalewala ni Atom.
Nakangiting naghihintay nalang ng pagtatapos ng oras si Atom.
Sa kanya nga talaga ang huling halakhak.
"Time's up! I formally announce that---"
"Teka lang!"
Nanlaki ang mga mata ng lima nang makita ang buong team ng The Wolves. Lalo na nang makita nila sina Drei at Lay.
"H-hind maaari." usal ni Atom.
Masama at matalim na tingin ang ibinigay ng The Wolves sa Gastly Lions.
"Ehem ehem. The Wolves finally arrived! Now, let the game begin!!"
Naghiyawan ang lahat ng tao.
"OMG! Bat may pasa si Drei?"
"Pati si Lay. Anong nangyari?"
"Maglalaro sila kahit na marami silang sugat?"
Maraming tanong ang gustong masagot ng mga spectators.
"Andrei!"
Nilingon ni Drei si Kaye. Bakas pa rin ang pag aalala sa mukha nito.
"Wag ka nang maglaro. Nanghihina ka pa."
Ngumiti sya."Marami mang pasa sa katawan ko, nawala na ang sakit ng mga iyon. Plano kong ipaghiganti ang nangyari sa amin. Tatalunin namin sila."
Wala ng iba pang nasa isip ng buong team lalo na ng F5 kundi ang talunin ang Ghastly Lions. Ang may pakana ng lahat ng nangyari.
Nag stretching at nag inat inat si Lay. "Ipaghihiganti ko ang ginawa nila sa ate ko."
"Magsisisi sila sa ginawa nilang kababawan." sabi naman ni Hero.
"Nagkamali sila ng binagga. Sinaktan nila ang mga kaibigan natin." saad naman ni Tri.
"Maghanda na kayo." sa wakas ay nagsalita rin si Alex habang nakatingin diretso sa mga mata ng Ghastly Lions.
Nasa isip niya ang babaeng maliit na nasa clinic ngayon at natutulog. Namumula pa ang pisngi. Lalong umiigting ang determinasyon niyang patumbahin ang kabilang team. Hindi siya magpapatalo.
Hindi maiwasang mapaisip ang mga tao sa loob ng Gym. Malakas na aura at matibay na morale. Tila ba nag iinit na ang The Wolves. Handa na nilang lapain ang mga lion na nanggulo sa nananahimik nilang tribo.
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?