C H A P T E R T W O
Maju's POV
(O_________________O)
Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala.
Freshman lang ang ugok na yun pero kung dumakdak, para nang professional !
"Kilala mo ba siya, Lay?" tanong ko sa kapatid ko.
"Oo. Classmate ko siya. Alexander Carl Evan Lee. Nakaagaw na agad siya ng pansin sa classroom namin." sagot naman ni Lay.
Agaw- pansin . CHECK!
"Bakit? Dahil ba sa may itsura siya? Dahil ba sa sobrang tangkad niya ay para na siyang kapre?"
Tumawa si Lay. "Siguro hindi ate."
Napakunot ang noo ko. "Eh ano?"
(^_________~) "Dahil mula sa first subject namin hanggang sa last period, tulog lang siya."
(o____________O!!!!!!!!) "T-tulog?"
"Oo. At kahit pinagalitan pa siya ng mga teacher, di pa rin siya nagigising. Kaya nakapagtataka na magaling pala siya sa basketball. At tingnan mo ate, gising na gising siya. Full of energy."
Tiningnan ko si Alexander. Umiinom siya ng tubig. Sa lahat ng freshman, siya ang pinakamatangkad. Halos magkasing tangkad sila ni Drei. Medyo malaki din ang pangangatawan niya. Maputi siya at matangos ang ilong. Itim na itim ang kulay ng buhok niya. At ang mga mata niya....napakaganda. Hindi makakailang, napaka gwapo niya.
At para sa isang freahman lang, may ibubuga na siya sa larong ito.
Kung ibang babae lang ako, baka nagkagusto na ako sa kanya.
Alexander Lee. Di maaring ikaw ang kailangan ko.
"Wow ate kung makatitig ka. Crush mo si Alexander no? Ayiieeeee *sabay ngiti* Aminin mo na ate Maju."
(-_________-)
*PAAAKKK*
"Tumigil ka nga Leonardo!"
"Ang galing mo talagang mambatok ate. Psh. Pero sabagay. Hindi naman kayo bagay ni Alexander. Kung didikit ka sa kanya......"
Aba nag isip pa ang ugok!
Rrrrrrrrrrr!!!!!
Ngumisi si Lay na mas lalong nagpainit ng dugo ko.
Ipinakita nya ang dalawang daliri niya.
"Ito ang itsura niyo. At ate for sure, nakakatawa yun." sabi niya sabay tawa...
| | <--------- Alex and Maju
(>______________<)
Binatukan ko ng malakas ang kapatid ko!
Rrrrrrrrrrrrrr!!! Tama bang ikumpara kami sa middle and pinky finger. Nakakainis na!!!!
"Aray! Ate tama na. Sorry na!"
"Walang dating ang lalaking yan, Leonardo! Ayoko sa lalaking mas minamahal ang isang sports kaysa sa akin. Naiiintindihan mo ba yun?!"
Naging seryoso ang mukha ni Lay. "Ate.."
Tumalikod na ako. "Senior na ako. Hindi maaring magkagusto ako sa isang freshman."
BINABASA MO ANG
The Ace Player
Teen Fiction"Age does matter. And a senior like her cant possibly be in love with a freshman like him." Weh? Di nga?