Malapit na mag alas otso ng siya'y magising, paglingon niya sa bed side table ay may gamot at isang basong tubig na nakalagay sa tray na may iniwang sulat.
Inumin mo yan para mawala ang sakit ng ulo mo tsaka kumain ka na rin, pasalamat ka mabait pa ako sa lagay na 'to.
Napangiti siya sa sulat ni Summer, hindi niya naman alam na mabait pala ang babaeng yun kahit kahapon lang niya nakilala at nakausap,
dahil sa totoo lang hindi talaga sila nagkikita kahit kasama lang siya ni Sunshine. Walang araw o buwan o taon na magkasama sina Sunshine at Summer kapag kasama siya. Kahapon niya lang nalaman kung bakit at nagulat siya ng dahil doon.Kinuha niya ang gamot at isang basong tubig para inumin yun. Tumayo na siya at pumasok ng banyo dahil papasok pa siya sa kumpanya ng Dad niya.
Pagkalabas nito ng banyo ay agad na tumutunog ang kanyang telepono, kinuha niya iyon at nakita ang pangalan ng kanyang ama, sinagot na niya iyon.
"Yes Dad?"
[Where are you now, Son? May pag-uusapan tayo]
Kumunot ang noo nito "ahm, nasa condo pa po. Anong pag-uusapan natin?"
[Later na pagdating mo dito] he said and ended the call.
Tumaas ang kilay nito at mukhang na weirduhan sa sinabi ng kanyang Ama ngunit kinabahan siya ng konti.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Dad? Tanong nito sa isipan niya.
Pagkatapos niyang gawin ang daily routine niya tuwing umaga ay nagbihis na siya at bumaba para kumain ng agahan. Nilapag niya ang telepono sa nook bar para gumawa ng french toast, habang hinahanda ang kanyang umagahan ay biglang tumunog ang kanyang telepono lumapit siya sa nook bar at dinampot ang telepono saka sinagot ng hindi tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Sagot nito habang piniprito ang itlog ng manok.
[Ano nainom mo na ba?] Napangiti siya ng marinig ang boses ni Summer.
"Yup, thanks Doc!" Pagbibiro niya kay Summer.
[Doc ka jan! Buti naman dahil kung hindi babalik ako jan para ako ang magpapainom sayo]
Natawa si Rain ng dahil sa sinabi nito "can you come back?"
Bakit naman kaya nito pinapabalik si Summer?
Napataas ng kilay si Summer ng dahil sa tanong niya [are you serious?] Deep inside gusto na niyang pumunta ulit sa bahay ni Rain dahil gusto niyang maramdaman kahit saglit lang ang pag-stay sa bahay niya.
"Yes Summer, I'm serious. So, can you?" Nang sabihin niya yun ay nasa tapat na ng kotse si Summer.
[Yup, I'm on the way] sabi nito at sumakay na sa kotse.
Napangiti muli si Rain "mag-iingat ka, magiging girlfriend pa kita" biglang sabi nito.
Umikot naman ang mga mata ni Summer ng sabihin yun ni Rain [ayoko maging panakip butas]
Napatawa si Rain "okay, bye" sabay end ng tawag ni Rain.
Sinamaan niya ng tingin ang telepono ng tapusin na ni Rain ang tawag. Bumuntong hinga si Summer habang nagmamaneho.
"Okay lang naman sakin maging panakip butas eh pero ayoko ulit maranasan yung sakit na naranasan ko kay Storm" sabi nito sa sarili.
Si Storm ang naging unang kasintahan niya bago niya magustuhan si Rain dahil si Storm ay dating kaibigan ni Rain noon pero hindi niya natanong kung bakit hindi na sila magkaibigan ni Rain, siguro kasi may nagawang mali si Storm kay Rain kaya hindi na sila nagpapansinan.
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romance"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: