Kabanata 30

20 1 3
                                    

Nawalan siya ng salita ng sabihin yun ni Danilo. "kung hindi mo 'ko ginawang sunud-sunuran malamang kasama niyo pa ako pero sinamantala mo ang kahinaan ko Dani! Oo mahal na mahal kita noon pero sa ginawa mo sakin... Nawala na lahat ng pagmamahal ko sayo"

Tila nawalan ng lakas si Danilo ng sabihin yun ni Liezel. "manatili ka sa bahay na 'to, kahit kay Summer na lang, sa anak natin" pangungumbinsi nito.

"ayoko. Kaya rin ako naparito para bawiin si Summer sayo. Ayokong gawin mo siyang sunud-sunuran kagaya ng ginawa mo sakin noon! Kaya pwede ba Danilo itigil mo ang pagpapakasal kina Summer at Ice! Dahil hindi si Ice ang kababata ni Summer kundi si Rain Mendoza! Yung batang umiiyak sa tuwing uuwi na sila ng Manila dahil nagbabakasyon sila sa bahay bakasyunan natin sa Batangas" pagkukwento nito para maalala ng kanyang dating asawa.

"alam ko yan Liezel. Ayoko lang siyang ipakasal kay Rain dahil... "

"dahil ano? Mas mayaman ang pamilya nina Rain kesa sayo? Yun ba?! Ang isip bata mo naman! Ano naman kung mayaman sila? Kung mahal ni Rain ang anak natin huwag ka ng tumutol! Sa kanya siya masaya kaya wala ka ng magagawa!"

Tumingin ito sa kanya "paano kung itigil ko ang kasal nina Ice, mananatili ka ba sa bahay na 'to?" Aniya.

Napaisip ito "kung si Rain ang lalakeng minamahal ni Summer ang ipakakasal mo sa kanya, dito na ako titira at... " Hindi siya pinatapos ni Danilo ng magsalita ito.

"mamahalin mo na rin ako" hinawakan ng ama ni Summer ang kamay ng kanyang ina.

"Will you love me again, Zel?" Tanong nito.

Aminin man nito o hindi, hindi nawala ang pagmamahal niya sa ama ni Summer kahit anong pilit niyang gawin. Kahit isubsob pa niya ang sarili siya pa rin ang nilalaman ng puso niya.

"I... still love you" aniya at napangiti ang ama ni Summer saka hinalikan ang kanyang ina.


Nagmamadaling sumakay sa taxi si Ice ng makita niya ang kanyang GPS na nasa airport na si Summer, ilang minuto niyang tinitigan iyon ngunit biglang nawala.

"Fuck! You can't go home without me Summer!" Gigil na sabi nito.

Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa airport at tumakbo para hanapin kung nasaan si Summer.

Fuck! Fuck! Fuck! Summer!!! Sigaw nito sa isip niya.

Sinubukan niyang tawagan ang numero ni Summer ngunit out of coverage area na ang dalaga. Kanina pa nakalipad ang eroplanong sinasakyan nila kaya wala ng magagawa si Ice kundi ang maghintay ng flight niya bukas.

Sa bahay na lang nina Summer niya ito kakausapin ng masinsinan. He wants to know about her but he thinks someone avoiding it to happen at alam niya kung sino ang lalakeng yun.

Kinuha niya muli ang telepono para tawagan ang ama ni Summer. "Hello Tito"

[O! Napatawag ka Ice]

"Tito, si Summer nauna ng umuwi diyan"

[Oh, really? I texted her awhile ago na dumating na ang Mommy niya tapos sinabihan ko na umuwi na, ang bilis naman niyang makaalis diyan halatang excited ang anak ko] natatawang sabi ni Danilo.

"Ganoon po ba? Sige Tito, bukas pa sana ang alis namin kaso nauna na siya"

[O sige Ice, mag-iingat ka bukas!] Sabi nito [at saka pala mag-uusap tayo bukas kasama si Summer dito sa opisina ko] pahabol pa nito.

"Sige po Tito"

Bumuntong hininga si Ice at naglakad na palabas ng airport at nagpara ng taxi papunta sa hotel na inuukupa niya.

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon