Kabanata 23

14 1 2
                                    

Alam niya naman na kapag umamin siya masasaktan pa rin siya lalo pa't baka may boyfriend na ito hindi lang nito sinasabi sa kanya.

"Here" sabi ni Summer at nilapag ang isang malaking bowl of chips with two soda can on the side.

Nanonood sila ng movie sa Netflix habang kumakain. Nakadantay si Fire sa mahabang sofa ni Summer, habang siya'y nakaupo sa sahig malapit sa ulo ni Fire.

Napahagikgik si Fire dahil sa nakakatawang eksena ng palabas at ganoon din si Summer, habang nanonood sila ay may kumatok bigla sa pinto ng condo ni Summer.

Nagkatinginan sila ni Fire "may bisita ka bang inaasahan?"

Napairap siya sa kawalan. "Oo at kailangan mo siyang makilala" sabi nito saka tumayo si Summer papunta sa pinto. Umupo naman si Fire at naghihintay sa taong pagbubuksan ni Summer.

Pagkabukas ni Summer ay bumungad sa kanya ang walang ekspresyon na mukha ni Rain. "Ba't ka nandito?" Tanong ni Summer.

Huminga ng malalim si Rain bago magsalita "I'm sorry" paghingi niya ng tawad sa kaninang nangyari.

Pinagkrus niya ang kanyang braso "tapos ano? Magagalit ka na naman? Tapos hindi mo na naman ako papansinin?" Inis na sabi nito.

Napakunot noo si Fire sa mga sinabi ni Summer sa bisita niyang ayaw papasukin sa condo "Sum, sino yan?" Tanong nito.

"Ah, Ex ko!" Sabi nito na walang ekspresyon.

Kumunot noo si Rain sa sinabi ni Summer at ng marinig ang boses ng isang lalake. "Are you with someone?" Tanong nito.

"Oo. Bakit masama ba?" Pagtataray nito.

"oo, dahil may boyfriend ka tapos pinapatuloy mo pa dito sa condo mo!" Naiinis niyang sagot.

At dahil mamamatay na sa kuryusidad si Fire ay naglakad na siya para makita ang lalakeng kausap ni Summer. "Sino ba kasi yan?" Tanong nito ng makalapit kay Summer.

Nang makita siya ni Rain ay sinamaan niya agad ito ng tingin. Akala ni Rain yung Fire Ocampo na kaibigan nilang tumulong sa kanya para sa anniversary sana nila ni Shine.

"Si Rain... Yung ex ko" sabay tingin kay Fire at binaling muli kay Rain ang kanyang atensyon.

Mas kumunot pa lalo ang noo nito ng dahil sa sabi ni Summer na 'ex' na naman niya ito.

"What do you mean ex? We're officially together again, Summer!" Naiinis na sabi nito.

Umirap ito. "Kung manggugulo ka lang, please itigil mo na, wala ako sa mood makipag-usap sayo!" Tatalikod na sana siya ng hilahin siya palabas ni Rain.

Nagulat si Fire ng gawin yun ni Rain sa kaibigan niya. "Stay there. Don't come with us" banta ni Rain kay Fire.

"Aray ko Rain!" Sigaw nito ng makarating sila sa loob ng elevator.

"Sino yung kasama mo? Boyfriend mo ba? Gagayahin mo rin ba ang ginawa sakin ng best friend mo?!" Nag-aapoy sa galit ang tono ng boses ni Rain.

"Si Fire, kaibigan ko. Oo best friend ko si Shine pero hinding-hindi ko yun gagawin sa'yo!" Mahinahong sagot ni Summer.

Nawala bigla ang galit ni Rain sa kanya "I'm sorry kung pinagdudahan kita. It's just that... I'm afraid to be left alone again"

Nawala agad ang inis ni Summer at niyakap niya si Rain. "Sorry din, Rain"

Niyakap naman siya Rain "I love you Summer, I promise hindi na ako magseselos" sabi nito habang magkayakap pa sila.

"I love you more"

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon