Kabanata 4

21 0 14
                                    

[ Flashback ]

"Summer, hindi muna matutuloy ang lakad natin mamaya" sabi nito sa kaibigan na abala sa paglalagay ng foundation sa mukha.

"Ay bakit?" Tanong nito saka naglagay ng pink lipstick sa labi.

"Kasama ko si Rain, kaya hindi pwede"

Natigil siya pag-aayos ng dahil doon "pwede naman akong sumama sainyo eh, third wheel ganoon"

Sinamaan siya ng tingin ni Sunshine. "wala akong tiwala sayo" ng sabihin yun ni Sunshine ay biglang may kumurot sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib.

Naibaba niya ang foundation at nilagay iyon sa bag at tinignan niya muli si Sunshine sa mata. "sakit mo naman magsalita. Alam mo bawas-bawasan mo naman ang pagiging prangka... minsan kasi nakakasakit na, 'di ko na rin maatim ang mga salitang binabato mo sa'kin" sabay tayo nito at aalis na sana ng magsalita si Sunshine.

"Bakit? totoo naman ah! Isa kang sulotera" sabay taas pa ng kaliwang kilay nito.

Naikuyom ni Summer ang kanyang kamay sa sinabi nito. "hindi ako sulotera! Alam mo yan" may diin sa kanyang pananalita.

Ngumisi ito "Matagal mo ng gusto ang boyfriend ko at alam ko na susulotin mo siya sa'kin"

"kung sulotera ako matagal ko na dapat ginawa at matagal ko na rin nakuha si Rain sayo pero sa nakikita ko kay Rain hindi siya ang tipo ng lalake na lolokohin ka o ipagpapalit agad sa iba. Pasalamat ka matinong lalake ang nagmamahal sayo dahil kung hindi... kawawa ka" sabi nito at iniwan na siya sa bleacher.

Hindi sulotera si Summer sadyang praning ang kaibigan niyang si Sunshine, inamin niya kasi na crush niya si Rain kaya nagpanic at napraning ang kaibigan niya, kaya tumatak sa isip niya na baka sulotin ni Summer si Rain at hindi na yun nawala sa isipan niya.

Makalipas ang tatlo't may labing isang taon na pagsasama nina Rain at Sunshine ay may inamin sa kanya si Sunshine.

"Hoy babae! Maawa ka nga kay Rain kapag nalaman niya ang ginagawa mo ewan ko na lang sayo! Huwag kang hihingi ng tulong sakin with matching iyak! Ginusto mo yan kaya pagsisihan mo!"

Kumapit ito sa braso niya na parang nagmamakaawa. "Summer please, if ever makita mo siya o makasalubong huwag mong sasabihin sa kanya, please? Nakikiusap ako"

Ngumisi ito "di ba hindi niya naman ako kilala? Plus hindi rin siya maniniwala sakin dahil masyado siyang in love sayo para maniwala siya sa sasabihin ko"

Natigilan siya at bumitaw sa pagkakakapit sa kanyang braso "oo nga pala. I'm safe!" Masayang sabi nito.

Umirap sa hangin si Summer. 'walang sikreto na hindi nabubunyag Sunshine, tandaan mo yan! Darating ang araw na yun at nasisiguro ko na mas sasaya ka pa kapag nakita kayo ni Rain' pero sa kabilang banda ay naaawa siya kay Rain, parang gusto niyang yakapin ang lalake sa ginagawang panloloko ng kaibigan niyang si Sunshine. Gusto niyang puntahan si Rain sa kumpanya ngunit hindi pa ang tamang panahon para magkita sila ni Rain.

"Mag-iingat ka lang na hindi kayo makita ni Rain"  ng sabihin yun ni Summer kay Sunshine ay parang ang dating sa kanya'y tinotolerate pa nito ang ginagawa ni Sunshine na dapat ay hindi pero kaibigan niya ito kaya hindi niya mapagsabihan ng maayos at seryoso dahil sa tuwing seryoso ang mga sinasabi niya kay Sunshine ay hindi naman nito pinapakinggan kaya wala ring silbi ang mga yun..hinahayaan na lang niya ito.

"I will Summer, don't you worry" sabay ngiti nito.

[ End of Flashback ]

Ilang sandali lang matapos ang tawag ni Sunshine kay Summer ay nakabalik na si Rain. Naglakad ito sa kinauupuan niya at sinabing "let's go!"

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon