Kabanata 19

19 1 3
                                    

Nagising si Summer ng alas siyete ng umaga dahil panay tunog ng kanyang telepono. Bumangon siya na inaantok pa saka kinuha ang kanyang telepono.

"Hello?"

[Good morning bestie! Free ka ba today?] Tanong ni Shine.

Humikab muna siya bago sumagot "yeah bestie, san tayo?"

[Sa Shakeys, miss ko na kumain ng pizza na kasama bestie ko] may ngiti sa labi si Shine.

Bigla naman kumalam ang tiyan ni Summer ng sabihin ni Shine ang pizza "nagutom tuloy ako. O sige bestie, what time?"

[Four (4) pm, bestie. See you later!]

"see you, bestie" sabi nito at binaba na ni Shine ang tawag.

"May gala kami mamayang alas nuwebe ni Winter tapos alas tres ng hapon kay Rain then kay Shine ng alas kwartro din ng hapon" humikab siya at nag-inat "you're in demand Summer!" Sabi nito sa sarili saka pumasok na ng banyo.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na siya ng kwarto na pusturang-pustura. Ang suot niya ay white floral na off shoulder na kita ang cleavage at highwaist skirt with two inches of high heels sandal saka sling bag para lagyan niya ng phone at wallet.

Sumakay na siya sa kotse at nagmaneho na papunta sa mall na sinabi ni Winter. Pagkarating niya doon ay nakita na niya si Winter sa may Celine na naghihintay sa kanya. Nakita niya itong nagtitipa sa telepono.

"Hi Winter!" Masayang bati niya at nakipagbesohan sila sa isa't isa.

Sa kabilang banda ng mall ay nandoon si Rain na pinapanood sila. Si Rain ang ka-text ni Winter kanina ng makita siya ni Summer.

Rain suddenly furrowed his eyebrows when he saw Summer's outfit. Too many skin, Summer! Sa isip nito.

Tinawagan niya si Winter at nagulat siya ng makita ang caller sa telepono niya kaya agad niyang hindi sinagot ang tawag. Napapadyak sa inis si Rain ng dahil doon. Nagtipa siya para sabihin kay Summer na 'bakit yan pa ang suot niya?'

Kumunot noo naman si Winter at tumingin sa kanya na malayo sa kinatatayuan nila. Sumenyas si Rain na sabihin kay Summer.

"Summer, you're so beautiful on your outfit!" Nakangiting sabi ni Winter sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "It suits you. Grabe why did Rain broke up with you? Tsk. Tsk. Sinayang ka niya"

Natawa si Summer "I know right. Let's go na, Winter" sabi ni Summer.

Nagpadala na naman ng text si Rain sa telepono ni Winter na nakalagay 'guard her up, Winter or else I'll go there and snatch her from you' pagbabanta niya.

Ngumisi ito at nagreply sa text ni Rain. 'No I won't! Mamatay ka sa selos kapag may mga lalakeng titingin sa ex mo! HAHAHAHA'.

Dumilim ang mukha ni Rain ng mabasa niya ang reply ni Winter saka sinundan sila pero hindi siya ganoon kalapit sa kinaroroonan nila.

"Doon tayo sa dress section kasi mahilig ka sa dresses. Let's go" Winter said at naglakad sila papunta roon.

Sinundan naman ni Rain ang dalawa pero sa kabilang section naman siya. Nakasuot siya ng blue bucket hat with eyeglasses na may anti-radiation para hindi siya mamukhaan ni Summer.

"Hi po Sir, ano pong hinahanap niyo?" Sabi ng sales lady na lumapit sa kanya.

"Ahm, may sundress ba kayo? Ireregalo ko sana sa girlfriend ko" sabi nito at naglakad sila papunta sa kinaroroonan nina Summer na abala pa rin sa pagpipili ng sundress.

"Winter, ang ganda nito" sabi ni Summer ng ipakita niya ang baby blue na bulaklakan na sundress sa kanya.

Narinig naman yun ni Rain at palihim siyang napangiti. Natigilan si Summer ng maamoy ang pamilyar na pabango ni Rain.

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon