Nasa loob na ng supermarket si Rain ng may tumawag sa kanyang pangalan. Lumingon siya kung sino yung tumawag sa pangalan niya, kumunot ang kanyang noo ng si Shine ang nakita niya. Bigla na namang bumalik sa kanyang isipan yung araw na hiniwalayan siya.
Lumapit si Shine sa kanya. "Nakita mo na ba yung sinend kong invitation card sa messenger mo?" Tanong nito.
Masama ang tingin niya kay Shine. "What are you talking about?"
"I'm planning a summer getaway with our friends at syempre nandoon si Summer, hindi siya mawawala doon" at ngumiti ito ng tipid ngunit nawala bigla dahil sa malamig na tingin ni Rain.
"hindi kami sasama dahil ayokong mapagod si Summer"
Tumango siya "I know she's pregnant, sinabi sakin ni Winter. Congrats sainyo" sabay ngiti nito.
Hindi ngumiti si Rain. "thanks. May sasabihin ka pa ba?"
"sana makapunta kayo, yan na din yung time na makapag-sorry sayo ng personal pati na rin kay Summer"
"you don't have to plan a getaway with us Shine, huwag kang magsayang ng pera" sabi nito at aalis na sana ng pigilan siya ni Shine sa braso.
"please Rain, gusto kong makasama si Summer kahit sandali lang" pagmamakaawa nito.
Hindi siya tumingin kay Shine. "I'll think about that" tumingin ito sa kamay niya na nakahawak pa sa kanyang braso. "can you please let me go? Marami pa akong bibilhin" he said in a cold tone.
Bumitaw naman si Shine sa pagkakahawak niya sa braso ni Rain. "aasahan ko kayo bukas" sabi nito bago tuluyang makaalis si Rain.
Sumimangot si Shine ng dahil doon at sa hindi inaasahan ay may bumangga sa kanyang isang matipunong lalake.
"Aray!" Napaupo siya sa kinatatayuan niya at tatayo na sana ng may nakita siyang kamay na nakalahad sa kanya.
"Sorry" sabi ng lalake.
Inayos niya ang kanyang buhok para makita ang lalake. Namilog ang kanyang mga mata ng makita niya kung sino ang lalakeng bumangga sa kanya.
"Ice?! Oh my gosh!" Sabi nito.
Kumunot noo si Ice ng makita niyang si Shine ang kanyang nakabangga. "Shine? What are you doing here?"
"To buy some food?" Patanong na sabi nito. "by the way, see you tomorrow! Bukas na yung summer getaway natin" sabay ngiti nito.
"kapag wala talaga si Summer sa getaway mo na yan malilintikan ka sakin" babala nito.
Umirap ito. "sasama nga siya! Ang kulit mo!" ayaw niyang sabihin na kasama si Rain dahil panigurado magkakagulo sila gusto niya isorpresa si Ice pagdating bukas.
"Fine! I gotta go" maglalakad na sana si Ice ng pigilan siya ni Shine.
"Ice wait..." Sabi nito.
Tumaas kilay si Ice. "What?"
May gagawin siyang panigurado ikababaliw ni Ice. Hinalikan niya bigla si Ice ng mabilisan.
"What the—? Why did you kissed me?" Gulat na sabi nito.
"I'm sorry, Ice... Please forgive me?" Pagpapa-cute nito sa kanya.
Tumalim ang mga mata niya. "Hindi mo 'ko madadaan sa mga ganyan" sabi nito at aalis na talaga siya ng ayaw siyang bitawan ni Shine.
"Ice naman eh! Parang hindi tayo naging magkaibigan" inis na sabi niya.
"I don't care! Bitawan mo na nga ako! Uuwi pa ako sa bahay nina Summer, I didn't see her today"
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Roman d'amour"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: