Kabanata 9 🔞

26 1 0
                                    

Tinawagan ni Sunshine si Winter para makipagkita ito sa kanya ngunit nagdadalawang isip si Winter kung pupunta ba siya o hindi.

"Cloud, kung hindi na lang kaya ako pumunta?" Sabi ni Winter.

"Edi huwag ka ng pumunta, ano na lang sasabihin sayo ni Rain kapag nalaman niya na nakikipagkausap ka pa sa kanya, di ba?"

"Sige, sabihan ko na lang siya na may emergency sa opisina na kailangan kong tapusin" sabi nito at tinawagan si Sunshine.

"Hello Shine, may urgent meeting kami ngayon hanggang alas siyete ng gabi"

[Ganoon ba? O sige, tawagan mo na lang ako kapag free na time mo]

"Sige, bye" sabay end ng tawag.

"Kinausap mo na ba si Rain? Wala na tayong balita sa kanya pagkatapos ng pagtulong natin para sa anniversary nila" pansin ni Cloud.

"hindi eh, hindi ko rin alam kung nasan siya, wala rin siya sa opisina ng Dad niya pero sabi ni Tito may pinuntahan raw hindi niya alam kung saan"

"tatlong araw na ah, wala pa rin si Rain?"

"wala eh, 'di nagpaparamdam"

"baka may ginagawa"

"siguro, hayaan na muna natin siya abalang tao din yun"

"totoo! Kaya nga minsan lang sila magdate ni Shine"

"abalang tao rin kasi si Shine kaya ayun hindi siguro sumasakto yung schedule nilang dalawa" sabi ni Winter.

Tanghali na sa probinsya ng Siargao at nasa sala si Summer na nanonood ng palabas sa telebisyon habang hinihintay si Rain na matapos maligo.

Habang nanonood siya ay biglang tumunog ang telepono niya, kinuha niya yun at nakita ang pangalan ng tumatawag. Napangisi siya ng si Sunshine ulit ang tumatawag sa kanya.

"yes my dear bestie, why did you called?" Bungad nito.

[Finally na kontak ko na rin ang number mo! Nasaan ka ba? Ba't hindi kita makontak ng mga nakaraang araw?] Tanong ni Shine.

Ngumisi siya "sa malayong lugar. Bakit?"

[Saan nga? I just wanna talk to you and gusto kong malaman kung nabibisita mo ba si Rain sa bahay niya?]

Ngumisi na naman ito at naalala ang nangyari sa kanila kagabi. "He's totally fine, Shine so you don't have to worry"

[Really? Hindi ba siya nagpapakalasing?]

Napamura ito sa kanyang isip. "bakit naman siya magpapakalasing? Kawalan ka ba niya?" prangkang sagot nito.

Gumagana na naman ang pagiging prangka nito at ang walang preno niyang bibig.

Sunshine scoffs when she heard what Summer said [Summer, alam kong ang prangka mong tao pero pwede ba bawas-bawasan mo naman at konting preno naman sa pagsasalita]

Natawa ito "oh! I'm sorry my dear bestie, gan'to ako eh at alam mo na yan pero sabagay kung ako ang nasa posisyon mo tapos ikaw ang nasa posisyon ko malamang maiinis rin ako sa ugaling pinapakita mo sa'kin" sabi nito habang tinitignan ang kanyang mga kuko na pinintahan niya ng kulay rosas.

[To be honest, I hate you for being real and for seeing all my wrong doings to Rain]

"buti alam mo, pasalamat ka nga may kaibigan kang totoo at walang halong filter sa pag-uugali! Alam mo kasi Shine kaya ako naging ganito para magising ka na sa katotohanan"

Kumunot ang noo ni Shine [what do you mean by that?]

"I mean don't keep your hopes up to have a second chance with Rain. He will never forgive you and will never be"

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon