Ilang oras lang ay nakarating na sila sa resort. Tinapik ni Fire ng mahina ang balikat ni Summer para gisingin na ito.
"Hmm..." Ungol ni Summer at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata.
"We're here na Sum" sabi ni Fire.
"Talaga?" Tanong nito at tumingin sa kabilang bintana ng coaster.
"Yep. Tara na" Tumayo na si Fire at ganoon din siya.
"Let's go na guys!" Sigaw ni Shine at nagsibabaan na sila.
Tumunog bigla ang telepono ni Summer at nakita niyang nagpadala ng mensahe si Winter.
'Summer, nasa lobby na raw si Rain... May magugulat mamaya HAHAHAHA' laman ng mensahe ni Winter.
Palihim na natawa si Summer ngunit nakita iyon ni Fire. "Ba't ka natawa?" Sabi nito.
Pinakita niya ang mensahe kay Fire at natawa rin ang binata. "Pwede ko bang kunan ng video ang magiging reaksyon ni Ice pagkarating natin doon?" pabirong sabi nito.
Pabirong pinalo ni Summer ang braso ni Fire na natatawa pa. "pwede rin pero kunware yung hotel ang kinukunan mo"
"baka awayin ako nun" natatawang sabi nito.
Umiling ako "hindi. Akong bahala sayo" sabi nito at hinatak na ang maleta niya.
Kinuha iyon ni Fire para siya na ang humila. "ako na magdadala Summer, baka magalit sakin si Rain"
Ngumiti si Summer. "thank you, Fire!" Bumuntong hinga siya. "alam mo kapag nagkita kayo ni Star, i-bbuild-up talaga kita sa kanya" sabi ni Summer.
Nahiya naman si Fire. "huy! Baka lumaki ulo ko kapag sinabi mo sa kanya"
"Okay lang yan! Napaka-green flag mo naman kasi! Tsaka yan na ang hinahanap ng mga babae ngayon, kaya akong bahala sayo kay Star" sabay kindat nito.
Sa sobrang green flag ni Fire pwede ko ng taniman ng gulay. Naiinis ako sa pagiging gentleman niya tapos sa pagiging mabait niya. Kung wala lang talagang Rain na dumating sa buhay ko malamang jinowa ko na 'to. Nasa kanya na talaga lahat eh... Though green flag naman si Rain pero hindi ko pa nakikilala siya ng lubos.
Napaka-seloso pa ng lalakeng yun, parang nasa gitna siya ng red at green flag but all in all mabait si Rain sakin at gentleman pa, wala na akong mahihiling pa.
Pagkarating nila sa lobby ng hotel ay nakita agad ni Rain si Summer. Maglalakad na sana siya papunta kay Rain ng harangin siya ni Ice.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Problema mo?" Tanong ni Summer.
Sinamaan niya ito ng tingin at bumaling kay Shine. "Akala ko ba si Summer lang ang kasama? Bakit kasama pa si Rain?" Naiinis na tanong nito.
Magsasalita na sana si Shine ng makalapit na si Rain at magsalita. "bakit Ice, may problema ka ba kung kasama ako sa getaway na 'to? Hindi naman ikaw ang magbabayad ng gastusin dito at hindi rin naman ikaw ang nagplano at nag-imbita sakin"
Napangisi ang mga kasamahan nina Summer at si Ice naman ay mas lalong nainis sa sinabi ni Rain. "wala akong pakialam kung imbitado ka o ikaw ang gagastos dito! Ang akin lang huwag kang dumikit kay Summer... Dahil akin lang siya!"
Napangisi si Rain. "Sa pagkakaalam ko ayaw na sayo ni Summer. She even ended it, right?" pang-iinis pa nito.
Nagpipigil ng galit si Ice ng sabihin yun ni Rain. Binaling nito ang paningin kay Summer. "you didn't ended it, right? Wala kang sinabi sakin bago ka umalis ng L.A."
Tumingin sa kanya ng diretso si Summer "I told you when we were in L.A. sinabi ko pa sayo na maghanap ka na lang ng iba dahil ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin ang taong hindi ko naman talaga mahal"
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romance"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: