"N-na nakita mo yun?" Nauutal na sambit niya.
Tumango si Rain "yeah, I saw it clearly baby doll, I'm not blind"
"I'm sorry" paghihingi niya ng tawad.
Ngumisi ito "answer me first, baby doll" pangungulit nito.
Bumaba ng tingin si Summer "look me in the eyes, baby doll" sabi ni Rain at hinawakan ang kanyang baba para tumingin sa kanya.
Napakagat labi ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya kaya ang ginawa ni Rain ay siniil niya muli ng halik ang kanyang labi.
"So, who kissed you better?" Nakangising tanong ni Rain.
"Oo na! Ikaw na ang magaling humalik!" Sabay irap nito at aalis na sana ng yakapin siya ni Rain.
"Apology accepted, baby doll" he whispered.
Niyakap naman niya si Rain at aaminin niya na safe siya sa binata at handa siya nitong panagutan kapag may nabuo sa tiyan niya.
Humiwalay siya sa yakap ng biglang tumunog ang telepono nito, hinugot niya mula sa bulsa ang telepono at nakita ang pangalan ni Fire, napangiti ito at sinagot agad ang tawag. Kumunot noo si Rain ng makita niya ang ngiti ni Summer.
Sino na naman kaya ang tumatawag sa kanya at bakit ganoon na lang ang pagngiti niya? Sa isip nito. Magseselos na naman ba si Rain?
"Hello Fire! Kamusta ka na?"
[Hi Summie! He'to kalalapag lang ng eroplano na sinakyan ko galing South Korea and guess what andami kong pasalubong sa'yo! Idadaan ko na lang bukas ang mga ibibigay ko sa condo mo] masayang sabi ni Fire.
Napatakip bibig ito na mas lalong ikinakunot ng noo ni Rain. "OMG! Talaga?! Grabe naman yan! Pero thank you sa mga pasalubong! I love you so much talaga, Fire!"
Kinikilig na sabi nito na nagdulot ng pag-irap ni Rain saka nag-walk out papunta sa kwarto nila at malakas ang pagsara ni Rain sa pinto na ikinapitlag ni Summer narinig din yun ni Fire sa kabilang linya.
[Uy ano yun?]
"Ah, ano napalakas yung pagsara ko ng pinto"
[Ah, sige kitakits na lang bukas, Summie!]
"Okay Fire! See you!" At tinapos na ni Fire ang tawag.
Kumawala siya ng hangin sa kanyang sistema at naglakad papunta sa kwarto nila, pagpihit niya ay di niya mabuksan dahil ni-lock ito ni Rain.
"Rain, Buksan mo 'to!" Sabi nito at kumatok.
Tinapunan niya ng unan ang pinto dahil inis na inis siya sa Fire na kausap ni Summer.
Okay na kami kanina tapos may eepal na naman na lalake? Tapos may pa I love you so much pa 'tong babaeng 'to! Nakaka-bwiset! Peste! Gigil na gigil siya na parang gusto niyang gilitan ng buhay ang Fire na yun lalo na ang fiance ni Summer na si Ice.
"Rain, baby buksan mo na 'to o!" Sabi ni Summer at naalala niya na may susi pala sa mesa kaya agad niya yun kinuha at binuksan ang kwarto.
Nakita niyang magkasalubong ang kilay ni Rain at ang sama niya makatingin parang kakainin siya nito ng buhay. Lumapit ito sa kanya saka sumampa sa kama.
"Nagseselos ka na naman ba? Kaibigan ko si Fire kaya normal lang samin ang magsabi ng I love you" pagpapaliwanag niya.
Hindi siya kinibo at parang wala siyang narinig kay Summer. Mas lumapit pa si Summer sa kanya na kulang na lang ay mahalikan siya nito.
"Rain naman eh" mapang-akit na sambit nito.
"Baby~" mas lalo pa niya nitong inaakit gamit ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romansa"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: