Samantala sa kwarto na inuukupa ni Rain ay panay ang lagok nito ng mga beer na nasa ref, wala siyang pakialam kung anong mangyari sa kanya gusto niya lang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Summer, I thought you love me" sabi nito at may nilabas sa kanyang bulsa.
Isang maliit na pulang lalagyan iyon at ang nilalaman niyon ay isang diamanteng kulay rosas na singsing. Ilang araw niyang pinaghandaan ang balak sanang proposal para kay Summer ngunit hanggang sa isip na lang niya iyon maaalala ng dahil sa nangyari sa kanila kahapon.
Alam niyang nagsisinungaling ito ng tanungin niya kung totoo ba yung video na pinadala sa kanya ng hindi niya kilalang email address. Sa isip ni Rain siguro may rason ito kung bakit nagsinungaling si Summer.
Naglakad ito papunta sa pinto ng kwarto ng hotel at bubuksan sana ng marinig ang boses ng lalake.
"Stay there, Summer. I'll be back" boses ni Ice ang kanyang narinig.
Pinakinggan niya mula sa likod ng pinto ang yapak ni Ice kung ito ba'y nakaalis na. Ilang sandali lang ay binuksan niya iyon at lumabas siya. Nakita niya si Summer na nakatingin sa side bale nakatalikod ito sa kanya. Narinig niya itong humikbi at gusto niya sanang yakapin ito ngunit may pumipigil sa kanya pero gusto niyang patahanin ito.
"Summer" tawag nito sa dalaga. Natigilan si Summer sa pag-iyak at unti-unting lumingon sa likuran niya at nakita niya si Rain.
"Rain!" Sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
Niyakap naman niya ito at narinig niya muli ang iyak ni Summer. "I'm sorry Rain, sorry. Sorry kung nagsinungaling ako kasi..." Humiwalay si Rain sa yakap at pinatahan si Summer.
"It's okay, Sum. I do believe you. Stop crying" pagpapatahan niya kay Summer.
Umiling siya "kaya ko yun nasabi sayo kahapon kasi may masamang gagawin sayo si Ice na kapag sumama ako sayo baka pagtangkaan niya ang buhay mo"
Pinunasan ni Rain gamit ang kanyang daliri ang mga luha ni Summer. "Will you come with me?" He said.
Hindi alam ang sasabihin ni Summer ng sabihin yun ni Rain. "Summer, will you come with me?" Pag-uulit niya ng tanong.
Umawang ang labi ni Summer at gusto niyang magsalita ngunit walang boses na lumalabas. "Sum, if you'll come with me, you will be safe on my arms"
Gustung-gusto ni Summer na makasama si Rain ngunit iniisip niya ang mangyayari kapag nalaman ito ni Ice. Iwinaksi niya ang isipin na yun at ngumiti kay Rain.
"Yes Rain, I'll go with you"
Napangiti si Rain at hinalikan ang labi ni Summer, tinugon niya iyon ng buong puso at sa huling pagkakataon na 'to ay hindi na niya talaga pakakawalan pa ang lalakeng bumihag ng kanyang puso.
Pagkatapos niyon ay nag-impake na si Summer ng mga damit niya at umalis na sa bahay nina Ice.
"Hanggang kelan ka dito, Rain?" Tanong ni Summer.
"Hanggang bukas kasi di ba bukas na yung alis niyo?"
Tumango si Summer. "yeah, pero ayoko ng sumama sa kanya"
Tumabi si Rain sa kanya "then, let's go back to the Philippines" alok nito.
Tumayo na si Summer at kinuha na ang kanyang maleta. "let's go"
Nagmadali na silang umalis ng hotel room ni Rain para hindi sila maabutan ni Ice. Iyon na lang ang tanging paraan para makaalis siya kay Ice.
Pumunta sa bahay ni Shine si Winter para sabihin na buntis na si Summer, kailangan niya rin ipaalam kay Shine na buntis na ang kaibigan nila kahit alam niyang may gagawin itong hindi maganda kay Summer.
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romance"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: