Kabanata 17

18 1 1
                                    

Kumuha ng beer si Rain sa mini bar ng hotel room saka binuksan yun at tinungga ang isang bote. Nagsipatakan ang kanyang luha ng dahil sa pangyayari sa kanila ni Summer. Pagkatapos ng pag-inom niya ay binuksan niya ang pinto ng kwarto at dahan-dahang ginapang si Summer. Medyo lasing si Rain ng dahil sa ininom niya kaya wala siya masyado sa sarili niya.

"Summer~"  may lambing ang pagtawag niya sa dalaga.

Mukhang nagising si Summer "hmm? Rain" sabi nito na medyo paos dahil sa kagigising niya lang.

"I love you~ and I'm sorry~" and he lean forward to claim Summer's lips.

Magpupumiglas sana si Summer ngunit hindi na niya nagawa dahil alam niya na namiss niya ulit ang mga haplos ni Rain sa kanyang katawan lalo na ang mga halik nito.

"Rain..." Ungol niya at nalasahan ang beer sa kanyang bibig. "Are you... Drunk?" She asked and Rain stopped the kiss.

"Yeah, so what?" Sabi nito at hahalikan sana ulit siya ng mag-iwas ito ng tingin saka bumangon sa pagkakahiga.

"I should leave now" she said and dialled Ice's number, when it started ringing inagaw yun ni Rain at pinatay ang tawag.

"Ano ba?! Gusto ko ng umuwi Rain!" Inis na sabi ni Summer ng kunin sa kanya ang kanyang telepono.

"No Summer! You will go with me! Besides pumayag siya na sumabay ka sa'kin"

Sinamaan niya ito ng tingin at kinuha ang unan saka naglakad palabas ng kwarto saka sinara iyon ng pagkalakas-lakas.

Napasigaw si Rain sa sobrang inis niya kay Summer saka sinundan siya. Hindi pa nga nakakahiga si Summer sa sofa ng makita niya si Rain na galit na galit sa kanya.

Huminga ng malalim si Rain bago magsalita "Summer, I'm really sorry. I told you before that I won't do that to you. Please, believe me" pagmamakaawa niya.

Umirap ito sa hangin "tumigil ka na. Hinding-hindi na magbabago ang isip ko besides you're the one who broke up with me, so why should I go back to you?" Sabi nito na nakataas ang isang kilay.

Hahawakan sana ni Rain ang kamay niya ng iniwas ni Summer. "because I love you"

Tinitigan niya ang mga mata ni Rain, sinusuri niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi pero nakita niyang maluha-luha ito.

"huwag kang magpaawa sa'kin. Hindi yan uubra" sabi nito. "umalis ka na nga sa harapan ko! Gusto ko ng matulog!" Inis na sabi niya kaya sinunod naman ni Rain ang sinabi nito at bumalik siya sa kwarto na bagsak ang balikat dahil nabigo siya para maging okay na sila ni Summer.

Why would I do that?! I hate myself when I'm angry! Sa isip ni Rain.

Umaga na at nakaligo saka nakabihis na si Summer at ngayo'y naghahanda na ng almusal nila dahil ngayon na ang alis nila. Bumukas ang pinto ng kwarto nila at lumabas si Rain na bagong ligo at bihis na bihis na rin.

Hindi siya pinansin ni Summer dahil abala ito sa pagkain niya ng kanyang nilutong almusal. May plato na rin at isang tasa ng kape si Rain na kanyang ginawa.

Napangiti si Rain at balak sana niyang yakapin si Summer ng maalala niyang hindi na pala sila magiging okay. Babatiin sana ni Rain ng 'good morning' si Summer ng biglang tumunog ang telepono ni Summer.

"Good morning too, honey"

Nang marinig niya yun nasira na naman ang kanyang araw. Umupo ito sa kaharap ni Summer saka tinignan ng masama habang kinakain ang bacon, egg at pancake.

"After nito uuwi na kami. So just relax, okay?" She giggled while talking to Ice.

Panay ang irap ni Rain habang pinagmamasdan niya ang kilos ni Summer.

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon