Kabanata 20

22 1 2
                                    


Natatawang naglakad si Winter papunta kay Rain. "Okay lang yan! Parang hindi mo kilala si Summer" sabi nito at tinapik ang balikat. "Tara na!"

"Ang hirap niyang suyuin!" Konti na lang maiiyak na si Rain sa treatment sa kanya ni Summer.

"Kung mahal na mahal mo talaga si Summer, huwag kang susuko" pagpapalakas ng loob ni Winter sa kanya.

Bumuga siya ng hinga "okay! I won't give up!" He said at hinatak na siya papunta sa Greenwich dahil doon pumasok si Summer.

"Hi Summie!" Bati ni Winter "gutom ka na ba?" Sabay upo niya muna, tatabi sana si Rain kay Winter ng hindi siya pinaupo kaya tumabi siya sa bakanteng upuan ni Summer.

Nakita ni Winter ang pag-ikot ng mga mata ni Summer ng umupo sa katabi niya si Rain. "Gutom ka na nga! Tumitirik na mga mata mo!" Natatawang sabi niya saka tumayo para umorder ng kakainin nila.

Naiwan silang dalawa ni Rain sa mesa at ramdam nila ang awkwardness sa pagitan nila.

"Ahm.. Summer" pambabasag ng katahimikan ni Rain.

"Ano na naman?" Walang ganang sabi ni Summer.

"I have something for you" sabi nito at binigay sa kanya ang paper bag.

Napataas kilay ito. "hm? Akala ko ba sa 'pamangkin' mo yan?" diniinan niya ang salitang 'pamangkin'.

"No, it's really for you and I don't have a niece yet" he said.

Napakasinungaling talaga.

Umirap siya at tinanggap ang paper bag na may laman na dalawang sundress.

"ang dami ko ng sundress" biglang sabi ni Summer.

Natawa si Rain. "you like wearing those, di ba?"

Huminga siya ng malalim dahil habang hindi pa bumabalik si Winter mas lalo siyang naiinis kay Rain. "yeah, kaya huwag mo 'kong pagbawalan sa pagsusuot ng mga ganito" sabi nito ng natigilan siya sa huling sinabi niya.

"No I didn't, I just said that because I don't want those guys eye-raping you"

Her heart suddenly softened when Rain said that.

Napatitig siya kay Rain at unti-unting nilalapit ni Rain ang sarili kay Summer para halikan sana ng dumating si Winter.

Bigla si Rain lumayo kay Summer at napaayos sila ng upo ng dahil doon buti hindi napansin ni Winter dahil abala ito sa phone habang hawak ang number ng order nila.

"So, kamusta kayo?" Sabi ni Winter sa dalawa.

"Gutom na ako" sagot ni Summer.

"Ikaw Rain, hindi ka ba inaaway ng best friend ko?"

Umiling ito "hindi. I guess we're kinda okay?" Patanong na sabi ni Rain.

"Really?" Sabay tingin niya kay Summer.

Sinamaan niya ng tingin si Winter at hindi sumagot. Binaling niya ulit kay Rain ang mga mata "hindi pa kayo okay"

"Fine" he said.

Maya maya lang ay dumating na ang order nila at nagsimula na silang kumain.

"So, how's life Summer?" Tanong ni Winter bago ubusin ang pizza na hawak niya.

Uminom muna siya ng iced tea "it's fine but I'm getting married next next month" sabay ngiti niya ng pilit at naikuyom ni Rain ang kanyang kamay.

Muntik ng mabilaukan si Winter ng malaman yun "are you serious?!" Tumango si Summer " with whom?"

"Ice Morales" nagkunware naman siyang gulat dahil na kwento na rin iyon sa kanya kagabi.

"Alam mo ba 'to Rain?" Sabi nito na hindi pa nakakabawi sa kunwaring pagkagulat niya.

Autumn Leaves [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon