Pumunta sa kumpanya nina Rain si Sunshine para dalawin si Rain ngunit ang kanyang ama ang naabutan nito.
"Oh, hello Shine. What brought you here?" Bati ng ama ni Rain sa kanya.
"ahm, si Rain po ba nandito?" Magalang na tanong nito.
"oh, sorry. Hindi ka ba sinabihan ni Rain na nasa bakasyon pa siya?" Sabi ng ama ni Rain habang in-scan ang mga papeles sa mesa nito.
"ahm, I called him po kagabi. He told me po na ngayon na ang uwi niya sa Manila"
Tumango-tango ang ama ni Rain "did he not tell you kanina na they're stranded sa Island ng Siargao? Hindi sila makaalis kasi ang lakas masyado ng ulan, baka bukas na sila makakauwi"
Para namang nabagsakan ng malaking bato ang puso ni Sunshine ng marinig yun. "ganoon po ba? Sige po babalik na lang po ako bukas" paalam nito.
Aalis na sana siya ng may sinabi pa ang ama ni Rain. "are you trying to win my son again, Shine? " Tanong ng ama ni Rain.
Humarap ito sa kanya "yes po Tito and I promise po na hinding-hindi ko na siya sasaktan at ipagpapalit sa iba" naiiyak na sabi nito.
Ngumisi ang ama ni Rain "I'm not sure if he'll forgive you. It's my son's decision not mine" at binalik na ang atensyon sa harap ng laptop nito.
Bumagsak ang namuong mga luha sa kanyang pisngi at nagpasya ng lumabas ng opisina. Pagkarating sa loob ng elevator ay doon na siya humagulgol.
Kung sana hindi siya naghanap ng iba. Kung sana hindi siya nagsawang mahalin si Rain. Kung sana hindi siya naging selfish sa kanilang relasyon. Kung sana nagkaroon siya ng oras para sa kanilang dalawa at kung sana hindi niya niloko si Rain, baka sila pa hanggang ngayon.
Lahat ng maling desisyon ay nasa huli ang pagsisisi at ngayo'y nararanasan na ni Sunshine ang lahat ng kanyang ginawa kay Rain.
I'm really sorry Rain, sorry talaga. Sana mapatawad mo pa ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako at magkabalikan muli tayo.
"Hala, pano yan? Ang lakas ng ulan! Bukas pa tayo makakauwi. Hindi na ba 'to titila?" Nag-aalalang sabi ni Summer habang nakatingin sa labas ng bintana ng hotel.
Naglakad palapit kay Summer si Rain at niyakap ito mula sa likuran. "Ang sabi sa news, bukas magiging maganda na ulit ang panahon dito and I already pay for the extension of our stay here..." Lumapit ito sa kanyang tenga "so, masosolo kita ulit, baby doll" sabay kagat niya sa tenga ni Summer.
"aray!" Sabay palo ni Summer sa braso niya.
"sorry baby doll. I'm just gonna miss this moment of us here in this room" he softly said.
Magsasalita sana si Summer ng tumunog ang telepono niya agad naman niyang hinugot mula sa bulsa ang kanyang telepono saka tinignan kung sino ang nagtext, nakatingin lang si Rain sa screen ng telepono ni Summer at nag-isang linya ang kilay nito ng makita ang text ni Ice.
'Hi hon! I'll pick you up later, pinahiram sakin ng Dad mo ang van niya para makauwi ka na dito'
Humiwalay sa yakap si Rain at naglakad palabas ng kwarto nila. Naibagsak ni Summer ang balikat ng dahil sa ginawa ni Rain. Sinundan niya si Rain at nakitang nakatingin sa bintana sa tabi ng couch. Lumapit ito sa kanya.
"Rain naman, nagseselos ka na naman ba?" Nakakunot noong sabi ni Summer.
"Who wouldn't?!" Sabi nito na inis na humarap sa kanya. "Why would you text him pa? Hindi ba siya makapaghintay sayo?!" Konti na lang sasabog na sobrang inis niya kay Ice.
Umirap ito "he's my fiance, Rain kaya ko siya tinext and he needs to know that. Bakit ba ang init ng dugo mo kay Ice?!"
Umirap din ito "I'm a guy too, Summer and I know he has something with you! Kaya please huwag ka ng magbulag-bulagan pa!"
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romance"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: