Nang makarating na ito sa nasabing bar ay nagbayad na siya saka bumaba na ng taxi. Bumuntong hinga muna siya bago pumasok sa loob. Paano kung wala siya sa loob? Tanong sa isip niya ngunit naglakad na lang siya papasok dahil baka nandoon talaga siya.
Sumalubong sa kanya ang malakas na tugtog na RnB. Nilibot niya ang bar para hanapin si Rain pagtingin niya sa may counter ay doon nakaupo at panay ang inom ng lalakeng si Rain.
Umiling ito sa kanyang nakita at naglakad papunta sa kanyang kinauupuan. Balak na sanang tunggain ni Rain ang isang bote ng agawin niya ito.
"Hep! Tama na! Tignan mo nga ang sarili mo!" Inis na sigaw nito dahil hindi naman siya maririnig nito kung sa mahinang boses niya lang.
"Pakialam mo ba?!" Inis na sabi nito at inagaw ang boteng inagaw niya sa kanya kanina.
"Sunshine told me na puntahan ka dito" this time mahina na ang boses ni Summer dahil mellow music na ang pinapatugtog ng DJ.
"For what? Tsaka why would she sent you here kung pwedeng siya na lang?" She sensed that this guy is drunk.
"Wala siyang mukhang ihaharap sa'yo" that's true. Wala. Hindi ba napansin kanina ni Rain na hiyang hiya ng tanungin ito na kaibigan ba niya yung lalakeng nakasabay niya sa elevator?
She heard him laugh like an idiot. "Para kang tanga!" Inis na sabi nito.
"Oh by the way, did you know all of this?"
Kumunot noo ito sa kanyang tanong "what do you mean?"
Umiiling ito saka uminom muna bago magsalita "alam mo ba kung anong meron sa kanila?"
Umirap siya "I know all of those kaya lang ang magaling mong ex ayaw akong nakikita kapag magkasama kayo" inis na sabi nito sabay cross arms niya.
"What?"
Tumingin ito sa kanya "ayaw niya akong makita kapag kasama ka niya. Kuha mo ba?"
"Bakit naman?"
"Kasi alam niya na baka agawin kita sa kanya"
Mas lalong kumunot ang noo nito "ha? Ibang klase talaga 'to si Sunshine. Nakuha pang magselos!" Umiiling na sabi nito.
Tumingin naman sa kanya ng seryoso si Summer. "do you love her?" She asked eventhough she's going to hurt herself by that question.
Tumingin ito sa counter table ng bar saka napangiti "I love her so bad, Summer and I don't know what to do about it!" Naiiyak na sabi nito.
May naisip itong ikakasira ng pagkakaibigan nila ni Sunshine. "you know what? She's been fooling you for about 5 months" casual na sambit nito.
Nang dahil doon ay naibagsak ni Rain ang hawak niyang bote sa sahig at nagpanic ang ibang tao na malapit sa kanya ngunit sinabing okay lang at kumuha ng pera sa wallet niya para bayaran ang boteng nabasag nito. Pagkabigay ng bayad ay agad na hinawakan ni Rain ang kamay ni Summer palabas ng bar.
"aray ko naman Rain!" Sabay bawi ng kamay niya sa pagkakahawak sa kanya ni Rain.
"Are you kidding me, Summer?" Seryosong tanong nito.
"Mukha ba akong nagbibiro?! Alam mo matagal ko na dapat 'to sinabi sa'yo pero yung magaling mong ex pinagbabawalan akong sabihin sa'yo dahil ayaw ka niyang mawala!"
"What the fuck!? I know you're kidding! Stop brainwashing me, Summer!" Sigaw nito saka naglakad papunta sa parking lot.
"Utang na loob Rain, maniwala ka sa'kin! Matagal ka na niyang niloloko!"
Humarap ito sa kanya saka lumapit sa kanya "kaya ba nakipaghiwalay siya sa'kin?"
"Oo! Kaya naging sila ni Thunder. They've been together for 5 months, Rain! Huwag ka ng magbulag-bulagan!"
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves [R18]
Romance"I can see that our relationship is fading. An empty relationship like the autumn sky" -- Date Started: April 7, 2022 Date Ended: