Prologue (R-18)

89.6K 559 38
                                    

BEFORE YOU READ THE STORY AHEAD, NOTICE THIS ONE!!!

WARNING: R-18. This story contain mature contents (including violence, sexual harassment, toxicity, drugs and etc.) that are not suitable for young and close-minded readers. Also might trigger some traumatic experiences.

From the title itself RUTHLESS WAYS. Please, 'wag ka nang tumuloy kung 'di mo kaya ng harsh at toxic lead characters. May better na story para sa 'yo. But if you still want to, thank you for giving it a try!

Paalala: Hindi lahat ng warning ay exciting! 'Wag nang ituloy kung 'di na kayang i-handle ang mga scene, okay?

***

WARNING: Read at your own risk!

Scarlet's POV

"Scarlet, ito ang listahan ng mga umorder sa may third floor. Serve them now," utos ni Mr. Del Fuego, ang Manager namin ng mga kaibigan ko rito sa Club.

"Alright, sir! I'll go ahead," ngumiti ako, nagpapa-cute sa kanya at kinindatan pa. Nakita ko ang pag-ngisi at pag-iling niya kaya natawa ako. Baklang 'to!

Mabilis at maingat ang galaw ko upang makarating agad sa paroroonan. Hinanap ko ang table ng mga pagbibigyan at nilapitan sila.

"Welcome, Mr. Zamora. Here's your special order!" I greeted the first old man on the list while putting his drink, with ecstasy, on their table.

Uminom muna ang matanda at ngumisi bago humugot ng pera sa wallet. "One more order for tomorrow," aniya bago ibinigay sa akin ang bayad na ngayon ay nakasobre na. Pasimple ko iyong itinago sa loob ng bulsa ng suot kong denim jacket bago inilista ang order niya para sa kanya bukas.

"Sure, sir! Thank you!" I blew a kiss for him before I left their table.

Ginawa ko ang trabaho at inayos muna ang suot dahil masyado nang maraming lamang pera ang telang bulsa sa ilalim ng suot kong bukas na jacket.

"Hi, Mr. Amadeo. Here's your special order!" I greeted my last customer for tonight before I gave him his drink with cocaine.

"Oh thank you, milady!" He held my hand and kisses the back of it before he handed me the paymemt. "'Til next time, sweetheart." He caressed the cheek of my butt as I turn my back on him.

I only rolled my eyes in irritation and smirks while holding the empty tray. Sa wakas, tapos na ang trabaho ko! Makakapag-party na rin ako sa ibaba.

"Mga pulis kami! Walang kikilos!"

Naalarma ako nang marinig ang katagang iyon. Kaagad akong tumakbo palabas sa backstage kung nasaan ang mga dancer at bumaba.

"Scarlet, akin na ang mga pera!" nagmamadaling utos ng manager namin nang makasalubong ko ito. Ibinaba ko ang hawak na tray sa pinakamalapit na table at mabilis na kinuha ang nga sobre sa loob ng pang-itaas at shorts bago ibinigay iyon sa kanya.

"Tumakas na tayo!" usal niya nang maipasok ang pera sa suot na jacket at hinila ako.

Tumakbo ako kasunod niya pero napahinto ako at napahiwalay sa hawak niya nang mapatid ako. "Ang bobo mo, Scarlet! Tayo, bilis!" bulyaw niya sa akin pero hindi pa ako nakakatayo ay mabilis niya siyang tumakbo dahil pumasok na ang mga pulis sa palapag kung nasaan kami.

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang makita sila at nag-ambang tumakbo pero may kamay na pumigil sa braso ko.

"Where are you going?"

My mouth went dry as I heard a familiar deep and husky voice. Dahil sa kuryosidad, hinarap ko ito at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko nang manliit ang mga mata niya at bigla akong hinila palapit sa kanya.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon