Kyrous' POV
"And now, I pronounce to you, the newest graduates of Lorcan Domestic and International Airline Academy!"
I stood proudly and clapped together with the other respectable pilot and cabin crews who decided to share their knowledge and skills as our Academy's flight instructors. My eyes automatically met Scarlet's. She looks stunning there with the other fufure FAs and cabin crews of LDIA.
Biglang bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya no'n. Noong napakalayo niya pa sa mga pangarap niya.
"Gusto ko n'on, Kuya Kyrous!"
"Flying?"
"Oo! Gusto kong makapunta sa iba't-ibang bansa. Pangarap kasi namin iyon ni papa... dati."
"Of all Airlines, why did you choose LDIA to fly with?"
"Kasi bet ko 'yong uniform! Paborito ko ang itim."
"Really? Black instead of pink? Why?"
"Gan'on kasi ang tingin ng madaming tao sa akin. Para akong itim na tintang napahid sa maputi at malinis na papel. Iyong tipong kahit na kaunti lang ang itim, mas nakikita nila iyon kaysa sa kaputian ng papel. Kaya noong nakita ko 'yong uniporme ng mga Flight Attendant sa Airline niyo, nagustuhan ko agad. Pinangako ko sa sarili ko na balang araw, magiging ginto ako katulad ng disenyo sa uniporme niyo. Na kahit gaano kaitim ang nakapalibot rito, nagagawa pa rin niyang kuminang at agawin ang atensyon ng lahat para magustuhan siya at mahalin."
Before, I wished to be there when she shines... as supportive brother in law, of course. But now, I am here, watching how happy she is while wearing the black and golden uniform of our Airline... as her proud boyfriend and future husband.
Binati ko ang ibang graduate na nakasalubong habang paakyat para salubungin si Scatlet at ipakita sa kanya ang surpresa.
"Congrats, Mr. Tuts! Just wanna say thank you for wishing me last week to have a good meal."
Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Scarlet. May ideya na siguro siyang patungkol sa kanya ang sinasabi ko sa kaklase niyang si Khan.
"No problem, sir! Pero 'di po ako tumatanggi kung gusto mo akong ilibre kasi gutom na ako, sir!"
I chuckled and slightly nooded my head. "Come with us, then."
He celebrated it with his friends. Good thing, Anastacia is with them 'cause I invited LJ Cleverio.
Gusto ni Scarlet na panatilihing pribado ang relasyon namin sa mga taong nasa Academy. Naiintindihan ko naman dahil ayaw ko ring husgahan nila siya ng kung ano-ano. She deserves everything she had right now because she worked hard for it. Period.
I throw a party to celebrate their success. Kasama roon ang mga kani-kanilang pamilya. Pinanood ko si Scarlet habang katabi ni Tita Sella. Kapwa sila naiiyak, marahil, tulad ko, proud na proud din si tita sa anak. Naalala ko pa ang ibinilin niya sa akin noong hiningi ko ang kamay ni Scarlet sa kanya.
"Kaya ako naghihigpit sa kanya no'n, ayaw kong saktan siya ng mga lalake. Sa kanilang dalawa ni Serenity, si Scarlet ang palagi kong naririnig na binabastos sa daan at dahil iyon sa suot niya. Galit ako sa pang-aakit niya sa 'yo noon, Kyrous. Pero hindi ko naisip na magagawa mo 'yon sa kanya! Hindi kita masisisi sa galit mo pero sana mangako ka na 'di mo na sasaktan ang anak ko. Mahal na mahal ko 'yon."
Gusto ko silang lapitan pero hinayaan ko muna silang makapag-usap dahil alam kong madami akong inagaw na panahon para makasama nila ang isa't-isa. Ayaw kasing bumalik ni Scarlet sa mansyon kasi natatakot siya kay tita. Kaya ngayon lang sila ulit nagkita.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...