Scarlet's POV
"Ma, ako na po r'yan!"
Mabilis akong dumalo kay mama nang makitang kinukuha niya ang mga sinampay na damit.
"Sige! Ingatan mo ang mga puti kun'di ipalalaba ko ulit sa 'yo ang mga 'yan," pambabanta niya na ikinatawa ko.
"Ma, galit ka na naman? Bati na tayo, please?" Niyakap ko siya. Nagbabakasaling kaya nitong tunawin ang inis niya sa akin.
Mabilis niya akong itinulak palayo na parang diring-diri siya. "Kung sa tingin mo madadaan mo ako sa pagsi-sipsip mong 'yan. Naku, ibahin mo ako, Scarlet! 'Di mo ako mauuto." Nagmartsa ito sa loob ng bahay at iniwan akong napanguso.
Napatingin ako sa mga damit na nakasampay at padabog na kimuha ang mga iyon. "Kainis!" paulit-ulit na singhal ko.
"What's the matter?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Kyrous. Hinarap ko siya at mas humaba ang nguso nang makita ang mukha niya. "Galit pa rin si mama sa akin e. Baka hindi siya pumayag na sumama ako sa inyo sa Maynila," madramang saad ko bago nagpatuloy sa pagkuha ng damit.
"Hmm." Iyon lang ang narinig ko sa kanya kaya muli ko siyang hinarap.
"Hindi mo ba ako dadamayan sa lungkot ko?"
"You should be a good girl so that your relationship with your mother will be better," he suggested.
I only sigh and shrugged my shoulder before I walked inside our house to put the clothes that I took.
"Do you really want to go to Manila with your sister?" Kyrous asked while watching me.
"Oo naman... kasi nar'on ka rin." Pahina nang pahina ang boses ko at halos bumulong na ako sa huling sinabi.
"Kung gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan para makasama ka. Ang sabi ng ate mo, hindi ka naman daw gan'yan kakulit dati. Kaya alam kong kaya mong magpakabait." Tinapik niya ang balikat ko. "Kaya mo 'yan. Kung gusto mo talaga, kakayanin mo, Scarlet."
"Ma, ito na po ang mga damit mo," bungad ko nang pagbuksan ako ni Mama ng pinto. Ipinakita ko ang plantsado at nakatuping mga damit niyang nasa braso ko.
Umangat ang kilay nito at kinuha ang mga damit niya mula sa akin. "Anong kailangan mo at nagbabait baitan ka ngayon?" masungit na tanong niya bago siya pumasok sa kwarto.
"Gusto ko pong sumama sa inyo sa Manila. Kahit hanggang bakasyon lang, ma."
"At bakit gusto mo?" pang-uusisa niya.
"Kasi nar'on kayo ni ate. Nami-miss ko kayo tuwing wala kayo rito. Sampung buwan akong nagtiis mag-isa rito, ma. Tapos dalawang linggo ko lang kayo makakasama?" puno ng pagtatampong paliwanag ko.
"Kapag tumino ka hanggang sa araw ng pag-alis namin, sasama ka na."
Nanlaki ang mga mata ko at napatili dahil sa sobrang saya. "Sige po, ma! Magpapakabait ako," pangako ko habang malawak ang ngiti.
"Ate!" tili ko at nagtatatalon sa saya nang maabutan si Ate Serenity nang makababa ako.
"Anong nangyari, Scarlet? Binalik na ba ni mama ang cellphone mo?" tanong niya habang may ngiti rin sa labi.
"Hindi pa." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Pero, pumayag siya na sasama ako sa inyo sa Manila!" Muli akong napatili.
Humalakhak si Ate. "Talaga? Mukhang epektibo ang pagpapakabait mo, ah! Mabuti 'yan, Scarlet."
Napanguso ako nang maalala ang pabor ni mama. "Oh, bakit ka malungkot?" nag-aalalang tanong ni ate at hinaplos ang pisngi ko.
"Kailangan ko raw magpakabait hanggang sa pag-alis niyo. Kung hindi, maiiwan ako rito."
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...