Chapter 38

15K 138 42
                                    

Kyrous' POV

It's earlier than I expected. Akala ko ay sa susunod na linggo pa ang ka-buwanan niya!

Wala akong pinalampas na segundo para mapuntahan siya. Mabuti na lang pala ay na-rentahan ko ang kwarto sa kabilang unit. Kahit masakit sa bulsa, I rented some hospital equipments and hired medical personnels to be ready when this day comes. At dahil busy ako kaninang bumili ng cheese, di ko namalayang tumatawag na pala sa akin ang personal nurse na binayaran ko.

Napamura ako dahil sa labis na kaba nang makapag-park. Dala ang isang plastic, tumakbo ako papasok sa Condo Hotel kung saan kami nakatira ni Scarlet. Mas nataranta ako nang sumara ang elevator at umangat na. Hindi pa ako nakasakay!

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa isa pang elevator na nakasara rin pati na sa hagdanan patungong taas. Parehas na matatagalan kung maghihintay ako at aakyat. Tumakbo ako at tinungo ang hagdan. Mas okay nang kumilos kaysa maghintay roon. Gusto kong nasa tabi ako ni Scarlet habang iniluluwal ang anak namin.

Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maisip iyon at mas humigpit ang kapit sa hawak na plastic. Makakasama na namin ang anak namin! Ano kaya ang itsura niya? I can't wait to see her... to see them.

Hingal na hingal ako nang makarating sa tamang floor. Tinakbo ko ang natitirang distansya ng unit kung saan alam kong naroon si Scarlet. Pero, nakasarado ang pinto at ang isang bodyguard lang naabutan ko.

"Sir, the operation is on-going. Hintayin niyo na lang matapos."

"What? I'm the father! Hindi pwedeng wala ako sa loob! Paano na ang mag-ina ko?"

"The patient is with Mr. Cleverio. You have nothing to worry about."

Napaawang ang labi ko at napahawak sa nakasaradong pinto. He's with her. Kumirot ang puso ko at hindi maiwasang mapaluha. That should be me. Too bad, I'm late.

Habang naghihintay, wala akong nagawa kun'di ang magdasal na sana ay maging ayos lang si Scarlet at ang magiging anak namin. Hindi ko 'to gawain, pero mula noong nakilala ko si Serenity, natuto akong magdasal para magpasalamat sa Kanya dahil nakilala ko siya. Pero ngayon, ang dasal ko, para kay Scarlet na. At hinihiling ko na maging ayos sila.

Para akong maduduwal sa kaba habang nakatingin sa orasan. Ang sabi ng guwardya, kaunting saglit na lang daw, matatapos na ang operasyon. Kating-kati na ang kamay kong pihitin ang pinto pero nanatili akong naghintay sa tapat no'n habang hawak ang pinamili.

"It was successful. Congratulations, Mr. Lorcan!"

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa pisngi. 'Di ko inakalang maiiyak ako dahil sa sobrang tuwa. "Thank you, Doc."

Hinarap ko ang babaeng nakahiga sa Hospital bed. Nakapikit ito at tagatak ang pawis sa noo at leeg. Nanlambot ang tuhod ko pero mabilis ko siyang dinaluhan. Lumuhod ako at pinunasan ang pawis gamit ang sariling panyo.

Nang matapos ay hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad. "I'm so proud of you, Scarlet," bulong ko at inangat ang tingin nang may maramdaman akong lumapit. Ipinaliwanag kasi ng doktora na nawalan ng malay si Scarlet pero maya-maya ay magigising na.

It's LJ who's holding my baby on his arms. Like me, tears were visible in his eyes. But mine was from joy and his was loneliness.

I stood up proudly, smiled at him and taps his shoulder to cheer him up. "Thanks, Cleverio. I know my words are not enough but, I am really thankful to have you as my friend."

He nooded and the side of his lips also rose a bit. "You and Scarlet are always welcome. By the way, this is your cute baby."

Maingat niyang ipinasa sa akin ang anak ko. Kabado ako nang mahangkan ito at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi nang makita siya. Kahit nakapikit ito, halatang maganda. Manang-mana kay Scarlet and maninipis niyang labi pati. Ang matangos niyang ilong at makapal na pilik mata ay sigurado akong sa akin niya namana.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon