Scarlet's POV
"Hindi ko alam, ma, kung paano. Basta ang sabi niya, mag-asawa kami," paliwanag ni ate kay mama at Kyrous. At ako, pasimple lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakatuon ang mga mata sa TV.
"Paanong hindi mo alam, anak? 'Di ba kayo nagpakasal? O pumirma ka man lang ng kontrata?" litong tanong ni mama.
"Or maybe, kuya is that selfish to make you believe that you two are married?" saad naman ni Kyrous, halatang iritado.
"Hindi ko maalala." Ang sunod kong narinig ay ang hagulgol ni ate. Pinakalma siya nina mama bago napagdesisyonang magpahinga na. At sa huli, naiwan ako sa living room, mag-isa.
Napabuntonghininga ako at sumandal sa couch. Ganito naman na dati, Scarlet. Hindi ka pa ba sanay?
Nagpalipas ako ng ilan pang minuto bago isinarado ang bintana ang pinto. Ako na rin ang nag-ayos ng ilang kalat at nagpatay ng ilaw bago pumuntang kwarto.
"Scarlet, anak," si mama. Nilapitan ako siya para tanungin pero hinawakan niya ang kamay ko. "Halika, na-miss kita. Tabi ka sa amin ng ate mo."
Napaawang ang labi ko at nagpatangay sa paghila niya. Pumasok kami sa kwarto niya at naabutan ko si ate na nakahiga na sa kama, si Kyrous naman ay palabas.
"Goodnight po, tita. Goodnight, Scarlet," bati nita bago nagpaalam.
Tumango lang ako at sinundan si mama nang humiga siya sa tabi ni ate. "Halika rito, anak." Inalok niya ang bakanteng puwesto sa tabi. Napangiti ako at humiga roon. Namuo ang luha sa mga mata ko nang hindi inalis ni mama ang kamay ko nang yakapin siya.
"Goodnight, mga anak," bati niya at hindi inaasahang hinalikan ako sa ulo, gano'n ng ginawa niya kay ate.
Natulog ako ng may ngiti sa labi. Pero naalimpungatan ako nang may maramdamang magaspang na kamay na humahaplos sa binti, pataas sa hita ko. Dahan-dahang kong iminulat ang mga mata ko nang makita si Kael. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang salamin kung saan kita ang repleksyon ko. Nakahiga ako sa kulay pulang kama at nakatali ang magkabilang braso at paa ko sa apat na sulok nito. Ang nasa ibabaw ko siya.
"Mukhang masarap ang panaginip mo kaya ang tagal mong magising. Ngayon, ako naman ang patikimin mo ng sarap."
Tumaas ang balahibo ko dahil sa pandidiri nang yumuko siya at dilaan ang leeg ko. "Pakawalan mo 'ko!" sigaw ko rito at pilit na nagpumiglas kahit mas nararamdaman ko ang sakit sa pulso kapag gumagalaw.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagkalalake niya sa loob ko. Napahiyaw ako at napahagulgol nang walang awa niya akong pagsamantalahan. "Tama na po! Please!" umiiyak na pagmamakaawa ko.
"Scarlet! Scarlet, anak!"
Kaagad kong binuksan ang mga mata ko nang may maramdamang tumatapik sa akin. Habang hinahabol ng hininga, niyakap ko si mama.
"Tahan na, anak. Nananaginip ka lang," pagpapakalma niya sa akin.
Tama, panaginip lang iyon. Buti naman! Hindi ko alam ang gagawin ko kung totoong nangyari sa akin 'yon.
Tumango ako at napatingin sa pinto nang bumuks iyon. "Ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Kyrous na halatang kakagising.
"Wala, hijo. May napaginipan lang na masama itong si Scarlet. Pasensya na sa abala," sagot ni mama dahilan para tumango si Kyrous at iniwan kami.
"Gusto mo bang kuhanan kita ng tubig?" alok ni mama.
Umiling ako at muling humiga. "'Wag na po, tulog na tayo ulit."
"Ayos ka lang ba?" Hinaplos ni mama ang buhok ko. Ngumiti ako ng mapait at tanging pagtango lang ang naisagot. Ayaw kong mag-alaa rin siya sa akin. Tsaka na siguro, kapag okay na si ate.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomantikAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...