Scarlet's POV
Gaya ng sinabi ni Kyrous ay mag-aaral akong lumangoy ngayon. Pero bumili muna kami sa Mall ng mga gagamitin gaya ng swimsuit, kickboard, googles, sunblock at sunscreen.
Ibinigay sa akin ni ate ang mga gamit na pinamili at umakyat ako sa kwarto ko. Nang makapili ng isusuot ay nagbihis na ako ng white floral swimsuit. Spaghetti strap ang top at mini skirt naman sa pang-ibaba. Pinahiran ko ang katawan ng sunblock para hindi umitim ang balat ko. Medyo maaraw na kasi sa labas. Kinunan ko muna ng litrato ang sarili ko sa mataas na salamin bago bumaba at nagtungo sa pool area ni Kyrous.
"You're really a goddess, love," iyon ang bumungad sa akin. Nasa pool sina Kyrous at Ate Serenity at naghaharutan na naman sila.
Napanguso ako at umupo sa isang lounge, na chaise ang style, na nasa gilid ng pool. May beach umbrella na nakatayo sa gilid nito kaya hindi ako nasisinagan ng araw. Inabot ko ang orange juice na nasa gilid at sumipsip habang pinagmamasdan ang dalawa. Bigla akong nawalan ng ganang mag-swimming.
Umahon si ate matapos siyang halikan ni Kyrous sa noo.
"Let's go, Scarlet!" tawag sa akin ni Kyrous na topless habang nasa pool.
Nakanguso kong inilapag ang inumin at hinubad ang puting roba. Tamad akong naglakad palapit sa pool at hinarang ang palad sa nakakasilaw na araw.
"Kuya Kyrous!" napatili ako nang mabasa ako dahil hinawi niya ang tubig papunta sa direksyon ko.
"What's with your pouty lips? Don't you want to learn how to swim now?" he asked then he splashed water at me, again.
Sumilay ang ngisi sa labi ko nang humalakhak siya dahil tumama ang tubig da mukha ko. "Gan'yanan ah?" reklamo ko at lumuhod sa pool. Gamit ang dalawang kamay ay kumuha ako ng tubig at hinawi iyon patungo sa kanya.
Humalakhak ako nang gumanti siya. Napatakip ako ng mukha nang malagyan ng tubig ang mga mata ko. Nagulat ako at napatili nang hawakan niya ang kamay ko sabay hinila ako papunta sa pool. "Kuya Kyrous, masyadong malalim!" tili ko nang hindi na maramdaman ang paa ko ang sahig.
Mas humigpit ang braso ni Kyrous na nasa bewang ko at dinala pa niya ako sa gitnang bahagi ng pool. Hanggang leeg ko na ang tubig at nahihirapan na rin akong himinga.
Napakapit ako sa leeg ni Kyrous at iniyakap ko ang binti sa bewang niya para magkaroon ng suporta at mas umangat. "First of all, you need to let go of your fear. Don't worry about drowing. I'm here, I won't let that to happen." Ngumiti siya sa akin at mahinang tinalsikan ng tubig ang mukha ko. Napapikit ako at pinunasan ang tubig sa mukha ko bago muling yumakap sa leeg niya.
"'Wag kasing sobrang lalim agad, Kuya Kyrous! Doon muna tayo, please?" Gamit ang nguso ay tinuro ko ang mas mababaw na bahagi ng pool.
"We'll go there, later. But, not until you became confident," he answered and started losing his touch on my body. "Come on, let me go," he challenged.
Napalunok ako at dahan-dahang niluwagan ang binti kong nakapalibot sa bewang niya. Kinontrol ko ang paghinga at hinayaan kong tangayin ako ng tubig. Kahit kinakabahan ay pumikit ako bago unti-unting inalis ang pagkakayakap kay Kyrous.
Napadilat ako nang maramdamang lumulubog ako. Kumalabog ang puso ko dahil sa kaba pero mas lumakas pa ang tibok n'on nang hapitin ni Kyrous ang bewang ko para inangat.
"Good job, Scarlet!" he commented before he encircled my arms around his neck. He turned his back and gave me a ride until we reached the shallow part of the pool.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang muli akong harapin ni Kyrous na ngayon ay nakangiti, labas ngipin na ngiti.
"Next, you need to get use of floating."
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomansaAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...