Scarlet's POV
"Goodbye, grade nine C!" paalam ng guro namin sa huling asignatura bago ito lumabas ng silid.
"Goodbye, ma'am!" magiliw na paalam ng mga kaklase ko pabalik.
Samantalang ako, abala na sa pagkuha ng polbo at liptint sa bag para lagyan ang mukha at labi.
"Scarlet, pahingi rin!" Biglang nagsilapitan ang mga kaibigan kong sina Kate, Zhai at Danna.
"Sige lang," nakangising sagot ko at inilapag ang gamit ko bago sinimulang suklayin ang mahabang buhok at inipitan iyon.
"Mukhang nagmamadali ka ngayon, Scarlet. May naghihintay ba sa 'yo?" makahulugang tanong ni Jane habang pinapatag ang polbong nasa mukha.
"Wala 'no? Ngayon kasi ang balik nina ate at mama mula sa Maynila. Gusto ko na silang makita," nakangiting paliwanag ko at kinuha ang mga gamit sa lamesa.
"Talaga? Panigurado may pasalubong ka, Scarlet! 'Wag mo kaming kalimutang bigyan ah?" ani Zhai na ikinatawa ko.
"Naman! Kayo pa ba?" nakaangat ang kilay na tanong ko at tumawa.
"O siya, umuwi ka na, Scarlet!" pantataboy sa akin ni Kate at inabot sa akin ang bag.
"Bye, girls! See you tomorrow!" I wave my hand at them before I left our classroom.
"Scarlet, sabay na tayo!" si Calvin, boyfriend ko.
"Sige! Tara na!" anyaya ko at tumakbo nang hawakan niya ang kamay ko.
"Chill, babe! Bakit ka ba nagmamadali?" nakangising tanong niya at inakbayan ako nang makarating kami sa paradahan ng mga sasakyan.
"Darating sina mama ngayon. Excited lang akong makasama sila ulit," sagot ko at pumasok sa isang tricycle. Mabilis namang umupo si Calvin sa tabi ko at niyakap ako.
"Gano'n ba?" Isinandal niya ang mukha sa balikat ko. "E 'di hindi na natin masosolo ang bahay niyo?" makahulugang tanong niya.
"Malamang, oo," tugon ko at napatingin sa dalawang babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa akin.
Agad kong siniko ang tiyan ni Calvin. "Umayos ka nga! May mga tumitingin sa 'tin. Mamaya makarating na naman 'to mama," nakangusong reklamo at umirap sa dalawang estudyanteng chismosa.
"Manong, bayad po namin ng magandang girfriend ko." Ini-abot ni Calvin ang singkwenta pesos sa matandang tricycle driver kaya nagsimula nang umandar ang sasakyan namin.
"I will miss your house, babe. Especially being with you," Calvin whispered while giving me small kisses on my cheeks.
"I'll miss you too," I only sigh and let him kiss me. It's just the two of us inside this tricycle so, I have nothing to worry.
Simula nang umalis sina mama at ate ay naiwan akong mag-isa sa bahay namin. Noong una, nalulungkot ako dahil nagtatrabaho si mama sa malayo at si ate naman ay sumama sa kanya dahil napagdesisyonan niyang maghanap na rin ng trabaho sa Maynila kasi mas madaming oportunidad d'on kaysa rito sa Probinsya. Pero minsan, tuwing umuuwi ako ay kasama ko ang mga kaibigan kong babae at si Calvin para maglaro, kumain, sleepover o gumawa ng kalokohan. Dahil d'on ay 'di ko naramdaman na mag-isa lang ako kahit wala ang pamilya ko.
"Bye, babe! Kita nalang tayo bukas," paalam ko sa kasintahan bago ko siya mabilis na hinalikan sa pisngi.
Hinaplos niya ang pisngi ko bago tumango. "Tatawagan kita mamaya."
Hinintay kong makaalis ang tricycle bago binuksan ang gate para pumasok. Hindi ko pa nasasara ang gate namin ay may itim na magarang kotse na huminto sa tapat ko.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...