LJ's POV
"Can you just wait for me outside?"
I stared at Kyrous with a bored look. "Why? Ano bang gagawin mo at ayaw mong makita ko?" tanong ko at sinulyapan ang natutulog na prinsesa sa maluwag at komportableng kama.
"I'll just say goodbye to her!" kahit pabulong ay damang-dama ko ang pagkagigil sa boses niya.
"Why don't you do it in my presence?" pagpupumilit ko. Ano ba kasing problema kung maririnig ko ang sasabihin niya? Nahihiya ba siya?
"Damn it, just leave!" siya na mismo ang tumulak sa akin palabas ng kwarto niya.
Iritado ko siyang itinulak nang makalabas. "Fine! Fine ! Fine!" Inayos ko pa ang medyo nagusot na polo dahil sa pagtulak niya sa akin.
"Wait for me outside."
Imbes na sundin sa labas, sa pinto ng kwarto niya ako naghintay. Tinignan ko ang relo sa palapulsuan ko at nakitang tatlong minuto na ang nakakalipas nang maghintay ako roon. Dahil sa pagkabagot, dahan-dahan kong pinihit ang pinto at tahimik na binuksan iyon.
Agad na nahanap ng mga mata ko si Kyrous na nakaupo at nagsusulat sa study table na pam-babae ang disenyo. Malamang ay kay Scarlet iyon.
Is he writing a goodbye letter? How sweet.
For their privacy, I decided to step back and wait for him. Bumababa ako at pinuntahan ang kotse. Pumasok ako roon at sinimulan itong buhayin habang naghihintay. Para paglabas ni Kyrous ay diretso na kami.
"Where are your things?" puna ko nang sa wakas ay dumating siya at tumabi siya sa akin. Wala itong dalang maleta o kahit na maliit na bag. 'Di kagaya ko na ang daming dalang nakalagay sa passenger seat.
"Here," simpleng sagot niya at itinaas ang kanang kamay kung nasaan ang passport, mga nakatuping papel at celphone niya. Inilagay niya iyon sa loob ng coat niya, marahil ay bulsa. "And my wallet," dagdag niya at inilabas pansamantala ang kanyang wallet.
Tumango na lamang ako at pinaandar ang kotse. Mabuti't may dala siyang pera. Bibili na lang siguro siya ng gamit niya kaya 'di na siya nag-abalang mag-impake.
Habang palapit nang palapit sa tagong lugar na pupuntahan ay palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Saglit kong sinulyapan si Kyrous habang nagmamaneho. Kasalungat ko ay pangiti-ngiti ito habang nakatingin sa cellphone niya. Hindi bakas ang takot sa mukha niya sa kung ano ang p'wedeng mangyayari mamaya.
Nang makarating ay ipinakita namin ni Kyrous ang kanya-kanyang ID at appointment mula sa nagbabantay sa gate. Nang kumpirmahin ay roon lang kami nakapasok. Matapps maiparada ang sasakyan ay lumabas si Kyrous. Samantalang ako ay kinuha ang handbag na naglalaman ng p'wedeng gamitin para gamutin si Kyrous... kung sakaling buhay pa siyang makakalabas.
Tahimik ang paligid habang binaybay namin ang pangyayarihan ng laban ni Kyrous. Hindi ko na inabalang tignan ang detalye ng tatlong palapag na gusali. Ang pinagtuonan ko ng pansin ay ng mga lalakeng nakasuot ng coat, slack, sapatos at salamin na itim. Kalat sila sa bawat papasukang pinto pati na sa bawat palapag. At ang nakakakaba ay ang nakatagong baril nila. Ang isa na nakasalalubong namin sa lobby ay namataan kong may baril ito sa bandang bewang. Ang iba naman ay pinapaikot-ikot sa kamay nila ang baril. Parang hindi nila naisip na kaunting kamali ay pwede iyongㅡ bang!
Nakarinig kami ng malakas na pagputok ng baril at daing ng isang lalakeng natumba sa tabi ng babaeng receptionist na kausap ni Kyroud. Kita kong natamaan siya sa kanang dibdib pero walang ginawa ang mga ka-trabaho niya kun'di ang magpatuloy sa ginagawa. Umigting ang panga ko nang marinig halakhak ng ilan sa guwardya.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...