Chapter 26 (R-18)

29.2K 154 38
                                    

WARNING: Read at your own risk!

Scarlet's POV

Nakatulala ako sa dingding nang sa wakas ay natapos na akong maglinis ng katawan at ng mga sugat ko. Tumatakbo pa rin sa isip ko ang nangyari kanina. Ibang-iba iyon sa inakala kong kasiyahan na mararamdaman kasama ng mga kaibigan at kaklase ko.

Habang nakasandal sa headboard ng kama ay napatingin ako sa maliit na cabinet na nasa tabi. Kinuha ko ang cellphone roon na tumunog at muling mapaiyak nang makita ang pangalan ni LJ do'n.

Niyakap ko ang tuhod, na natatakpan ng puting comforter bago iyon sinagot. "H-hi, love!" sinubukan kong maging masigla gaya ng pagkakakilala niya sa akin.

"What happened?" seryosong bungad niya.

Tinakpan ko ang bibig at mahinang humikbi bago sumagot. "Nag-date kami ni Kyrous."

"Bakit hindi ka masaya?"

"Masaya ako!" Peke akong tumawa at pinunasan pa ang luha sa namamagang pisngi.

"Tss! 'Wag ka ngang gan'yan, nag-aalala ako sa 'yo."

At nang oras na 'yon, sumuko na ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod at hinayaang nakatapat ang cellphone sa tenga. Doon, humagulgol na ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman.

"Scarlet... gusto kong yakapin ka."

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko dahil sa sinabi ni LJ. Gusto ko rin. Pero paano?

"'Pag handa ka na, i-kwento mo sa akin, makikinig ako."

Pag-iyak ko ang namayani sa kwarto. Pati kasi ang audio ni LJ ay tahimik lang. Nang magsawa sa kakaiyak ay kumuha ako ng tissue para punasan ng luha at sipon. Humiga ako sa kama bago ko sinimulang i-kwento sa kanya lahat.

"Sana pala hinatid kita pauwi, Scarlet," iyon ang huling sinabi niya bago naputol ang tawag namin.

***

Kyrous' POV

Tangina! Tangina ko!

Matapos magsawa sa kakasuntok ng punch bag ay hinayaan ko ang sarili kong mapahiga sa sahig. Mabilis ang paghinga ko at ipinikit ko ang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag mula ng ilaw.

Habang nakapikit ay muling pumasok sa isip ko ang itsura ni Scarlet kanina. Namamaga ang pisngi niya at pumutok ang gilid ng labi niya. Ang gago kasi ni Kael. Pero, alam kong mas gago ako kasi hinayaan ko siya. Nandoon ako, e! Pero imbes na umangal, nagpatuloy ako sa laro na parang wala lang. Ang bobo ko!

Matapos ang ilang oras ay napagpasyahan kong bumalik ng kwarto para maligo. Nadatnan kong nakahiga na sa kama si Scarlet at base sa posisyon niya, natutulog na siya.

Napabuntong-hininga ako at agad na nag-iwas ng tingin para gawin kung ano ang dapat gawin. Nilinis ko ang katawan ko at binalewala ang sugat at pasang natamo sa pakikipagbugbugan sa alagad ni Kael. Hindi naman masakit iyon. Mas nasasaktan pa ako sa mga sugat ni Scarlet. 'Buti na lang ay 'di gano'n kalala ang natamo ng pisngi niya. Ang ganda pa naman niya!

"A-ayaw ko na po..."

Pagkalabas ay agad kong nilapitan si Scarlet nang marinig ang paghikbi niya. Dinaluhan ko siya sa kama at niyakap nang makitang nakapikit ang mga mata niya at may luhang kumakawala roon. She's dreaming... no, she's having a nightmare.

"Shh, Scarlet, I'm sorry," I whispered and planted small kisses on her forehead.

"Ate... ate ayaw ko na rito."

I felt a familiar pain in my chest because of what she said. Ayaw na niya sa akin. Kasi sinasaktan ko lang siya.

Nang marinig ang hagulgol niya ay mas humigpit ang yakap ko sa kanya. "I'm sorry, baby," paulit-ulit na bulong ko nang magsimulang pumasok sa isip ko ang nangyari noong unang gabing nasaktan ko siya ng sobra.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon