Kyrous's POV
Tangina, ang sakit ng katawan ko! Gusto kong sumandal para makapagpahinga pero kumikirot ang mga sugat sa likod ko. Wala tuloy akong magawa kun'di ang matulog ng nakatagilid.
Papikit na ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon nang marinig ang yabag ng takong niya. "Son, have you take your med?"
Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga. Hindi pa nga ako nagpapatingin sa doctor! Bwiset kasi 'yong kapatid ko. Atat lumipad papunta rito.
"I want to rest, mom," pagod na wika ko at ipinikit na ang nga mata.
"Alright. I just come to check on you. Goodnight!"
Tuluyan akong nakapagpahinga nang umalis siya. Kaso, saglit lang. Bigla kasing tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko iyon at nang makita kung sino ang tumawag. Ayaw ko munang makausap si Scarlet. Pakiramdam ko ay mas manghihina ako lalo. Kanina nga ay nag-iinarte na siya kay Cleverio. Kapag nakausap niya ako, paniguradong mas lalala ang drama niya.
"Good morning, baby boys!"
I almost rolled my eyes as I heard what my mom called at me and my brother. Hinalikan ko ang pisngi nito ang binati. Gano'n din si dad.
"What happened at you, Kai?" tanong ni dad sa akin. Oo nga pala, hindi kami nagkita kagabi.
"Accident," pagsisinungaling ko at ginamit lang ang kanang kamay sa pagkain at pag-inom. Kumikirot kasi ang kanang braso ko kapag gingalaw. May nabali pa yatang buto.
"What kind?" As expected, may kasunod siyang tanong.
"Motor. Lasing kasi ako."
"Hmm, what does the doctor said? May fracture ba?"
"I'm fine, dad," pagtapos ko ng usapan.
Mabuti na lang ay nand'yan si mom. "Yes, hon. I checked him last night and he's taking a med. He'll be fine soon."
"What kind of med? Name it."
Pati ba naman 'yon? Kahit kailan talaga, ang daming alam ng papa namin. "I didn't check."
"What color then? And how many med are you taking in a day?"
Inis kong ibinaba ang kutsara. "Fine, I haven't seen a doctor yet!"
"What?! Andi, call an ambulance, immediately!" natarantang utos ni mom sa kapatid ko.
"Tss, calm down, mom," halos mandiri ako nang sabay pa kaming nagsalita ng kapatid. Nakikisabay pa!
Dinala ako sa Hospital at nabuking ang pagsisinungaling ko. Nang makalabas sa hospital ay kinulit ako ni mom sa kung ano ang totoong nangyari. Wala akong nagawa kun'di ang umamin. Nangako naman siya na hindi sasabihin kay dad sa OA na paraan. Baka kasi ibang kwento ang makarating.
"You really love your girlfriend that much? I'm so proud of you, son," nakangiting sabi niya bago ako iniwan.
Kinabukasan ay nagkaroon kami ng dinner. Tahimik lang ako hanggang sa mabanggit ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak.
"Right, Andi and Kai. You're turning thirty yet you don't have a child. Kahit isa lang muna sa inyo, ayos na."
"Come on, guys, I'm eager to have a grandchildren," pilit naman ni mom at nilingon si kuya. "Andi, you're older. What's your plan?"
"I won't tell you by now, mom. I'll just surprise you soon."
I made face after hearing his answer. Nang maalala ang usapan namin kanina ay gusto ko na siyang ibuking.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...