WARNING: Read at your own risk!
Scarlet's POV
Maingat akong bumangon nang magising ako mula sa mahimbing na pagtulog. Napatingin ako sa suot ko at itinali ang mahabang buhok ko dahil sa sobrang init. Pinagpapawisan ako at alam kong epekto iyon ng gamot na ininom ko kanina. Hinipo ko ang gilid ng leeg at noo. Napangiti ako nang maramdamang hindi na ko mainit tulad ng kanina. Gusto kong pasalamatan ulit si Kyrous pero baka mas lalo siyang magalit sa akin. Napatingin ako sa salaming bintana. Kahit may nakaharang doon na kulay abong kurtina ay kita ko pa rin ang itim na kalangitan mula roon. Gabi na pala.
Bumangon ako at sumilip sa pinto. Nang maramdamang walang tao ay maingat akong bumaba sa hagdan. "Kyrous?" tawag ko sa may ari ng bahay.
Lumabas ako nang walang sumagot sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang pamilyar na mailaaw na hardin sa gilid at ang malawak na pool. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko nang mapagtantong ito ang bahay kung saan ako pansamantalang nagbakasyon n'ong nasa ika-siyam na baitang palang ako. Iba na ang ayos sa loob ng bahay pero itong labas ay walang pinagbago.
Niyakap ko ang braso ko at marahang hinaplos iyon nang maramdaman ang malamig na simoy ng hagin. Nagtungo ako sa pool at umupo sa pwesto kung saan ko nakasama si Kyrous dati.
Mapait akong napangiti. Parang kailan lang, maayos pa ang lahat. Kahit magkagalit kami ni Mama ay masaya naman kaming buong pamilya. Pero ngayon, mag-isa na lang ako. Pinilipit na mabuhay para lang matupad pa rin ang mga pangarap.
Nabitin sa ibabang pilik mata ko ang luhang pabagsak na nang maalala ang pangarap ko. Ang pagiging Flight Attendant sa Kompanya nina Kyrous.
"Shit! Anong araw na ngayon?!" napamura ako at tumingala para tuyuin ang mga luha habang kinakalkula ang araw na lumipas. "Linggo na bukas at Lunes na! Simula na ng klase!"
Napatayo ako at agad na tumingin sa malaking mansyon. Kailangan kong makatakas. Ayaw kong makulong na lang dito at magpaalila kay Kyrous. Alam kong mahal ko pa rin siya at naaapektohan pa rin ako kahit sa maliit na bagay pinapadama niya. Pero ayaw kong mawala ulit ang mumunting pag-asa kong tuparin ang mga pangarap ko dahil sa pagmamahal na 'to.
Tinungo ko ang gate at malakas ang kabog ng dibdib nang binuksan iyon. Maingat akong lumabas at hindi na muling isinarado ang gate. Kahit masakit pa rin ang gitnang bahagi ko ay pinilit kong tumakbo para makalayo. Habang tumatakas ay napatigil ako at napatakip ng mga mata gamit ang braso nang may tumigil na kotse sa harap ko at halos masilaw na ako sa puting ilaw na nakasindi sa gilid ng itim na kotse nito.
Napatingin ako sa maluwag na kalsada nang ako na mismo ang naglakad pagitna dahil nakakahiya naman sa kanila. Nakagilid na nga kasi ako para 'di mahagip ng mga dumadaang kotse tapos aagawan pa ako?
Sa gitna ng kalsada ako dumaan dahil walang sasakyan. 'Di pa ako nakaka-tatlong hakbang ay may humigit sa braso ko."Where are you going?"
Napatigil ako at mabilis na hinarap ang pinanggalingan ng pamilyar na malalim na tinig. Kumalabog ang dibdib ko nang titigan ang nag-aalab niyang mga mata. Galit na naman siya. Kumirot ang puso ko pero mabilis ko akong umirap sa kanya.
"Uuwi na ako. Kapag Flight Attendant na ako, babayaran ko na lang ang ginastos mo sa pagpapalaya sa akin," sagot ko at marahas na binawi ang kamay ko mula sa mahigpit niyang hawak.
Tumalikod ako nang hindi siya gumalaw at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Pero sa pang-limang hakbang ko ay nabitin sa ere nang may brasong bumuhat sa akin at walang hirap na isinandal ang gitnang bahagi ng katawan ko sa kanang balikat niya habang ang kamay at braso ay nakasuporta sa akin.
"Ano ba, Kyrous?!" tili ko dahil nakabaliktad ang ulo ko. Pinagpapalo ko ang likod at pang-upo niya para magprotesta pero pinalo niya rin ang pang-upo ko. "Bitawan at pakawalan mo na ako!"
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...