Chapter 41

13.8K 114 3
                                    

Scarlet's POV

"Agape..." bulong ko sa sariling apilyedo habang ang mga daliri ay dahan-dahang bumababa sa listahan ng mga pasado sa exam. Hindi ko alam kung ilan ang kabuuang bilang namin na nag-exam noong araw na 'yon pero trenta lang daw ang nakapasa at nasa pang-benteng rango na ako pero wala pa rin ang pangalan ko.

"You're on twenty-seventh." Naestatwa ako nang marinig ang pamilyar na paos at baritonong tono. Amoy na amoy ko rin ang bango niya dahil sa lapit namin sa isa't-isa.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat nang hawakan niya ang kamay kong nakaturo sa lists at ibinaba niya iyon hanggang sa makita ko ang pangalan ko.

Pasado ako! Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napatakip ng sariling bibig dahil hindi makapaniwala. Naiiyak na rin ako dahil sa saya.

"Congrats..." rinig kong bati niya.

Ibinaba ko ang kamay at yumuko ng kaunti sa kanya. "Thanks po."

His brows forrowed. Then he licks his lower lip and answered, "You're welcome."

Tumango ako at tumalikod na sa kanya dahil kita kong nanonood na sa amin ang iba. Ayaw kong mapatalsik dito dahil lang sa pagiging malapit niya sa akin. Bakit pa kasi siya lumalapit? Hindi pa ba malinaw sa kanya ang pagpapaalam ko?

Naging mabilis ang pagkasado ko sa Grooming Station. Masaya na ako roon pero mas sumaya dahil nang sumunod na pasukan ay naging kaklase ko na ulit sina LJ, Lyn, Khan at Anastacia.

"Wala nang bawian, Lyn! Ang sabi mo tabi tayo," reklamo ni Khan sa kaibigan dahil pinalitan ni Lyn ang katabi sa seat plan.

Outside the school na kasi ang activities namin at ngayong school year, sa Palawan daw kami. Excited na akong sumakay ng eroplano!

"Scarlet!" mangiyak-ngiyak na tawag ni Khan sa akin. Gago siya nang makilala ko pero parang seryoso kay Lyn kaya tumango na ako.

"Oo na! Lyn, sa iba na lang ako," pagtawag ko sa babaeng kaibigan at inalu siya nang magtampo dahil na-miss niya raw ako kaya gustong makatabi.

Hindi ako pamilyar sa iba naming kaklase ngayon kaya nagpahuli akong pumili ng mauupuan. Kung ano ang bakante, iyon na lang.

Pag-uwi ko sa apartment na tinutuluyan ay nag-impake agad ako ng gamit. Palawan iyon kaya kahit 'di summer, pinili kong dalhin ang mga sexing damit, dress at swim suit dahil survival swimming ang training namin.

Sa biyahe, wala namang sinabi kung ano ang isusuot kaya hindi na pang-pormal ang isinuot ko. Puti at may floral design crop top na puff ang sleeve, denim shorts at puting converse para sa sapatos. High ponytail ang ginawa ko para sa buhok at ibinaba ang baby bangs sa gilid. Kaunting waterproof make-up at tapos na. Handa na akong mag-training at magkabakasyon ng isang araw.

"Parang 'di magti-training, ah?" asar ni Khan nang makarating sa Airport. Inagahan ko pero ang dami na namin do'n. Sabagay, isang beses lang ang training na 'to. Baka ma-late pa at biglang maalis ng wala sa oras.

"Syempre, kailangang sulitin ang ganda ng Palawan," sagot ko at bumaling kay LJ sa katabi niyang si Anastacia.

"Hi, Love!" Lumapit ako sa tenga niya at kaunting sinulyapan ang katabi na napatingin sa amin. "Ayos na kayo? Madalas kayong magkasama, ah?"

Mahina siyang tumawa at umiling. "Nah, wala lang kasi akong ibang kakilala kaya sa kanila ako madalas sumasama."

Napanguso ako. Bukas, paniguradong mababawasan na naman kaming mga trainees. Sana makasama ko sila hanggang sa dulo.

"How 'bout you? Balita ko broken hearted si Lorcan. Ayos pa ba kayo?" pabalik niya ng tanong na hindi ko inaasahan.

"Broken hearted?" Mahina akong natawa. Impossibleng ako ang may gawa no'n.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon