Scarlet's POV
"You don't even know how to cook," matabang na pagpaparinig ng mama ni Kyrous sa akin habang tinitignan ko ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto gamit ang cellphone. Nagpresinta ako para makapagpahinga naman si Kyrous at gusto kong patunayan ang sarili ko sa mama niya. Pero, ito pa ang sasabihin niya.
"Marunong naman po, ma'am. Palagi lang kasi akong ini-spoil ni Kyrous dati kaya hindi ko na masyadong tanda kung paano magluto," mahinahong pagki-kwento ko sa kanya at ibinaba ang gadget para hinihintayin ang pagkulo ng manok sa lutuan.
"So, you're now admitting you're after his wealth? And how dare you make him your sugar daddy?!" bakas ang gigil sa boses niya at napainom ng malamig na tubig na nakahanda sa harapan niya. "You're too low compared to Serenity."
Natahimik ako ng banggitin niya si ate. "She's your sister, right? You must know that she's way better than you in everything," dagdag pa nito.
Kumilos ako para tignan ang niluluto. Pagbalik, doon ako pa lang ako sumagot habang taas noong nakatingin sa kanya. "Alam ko pong mas lamang si ate. Naiintindihan ko rin kung bakit mas gusto mo siya para sa anak niyo. Pero, ma'am, hindi naman po p'wedeng dalawang anak niyo 'yong para kay ate." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at hinawakan ang sariling kamay. "Ibigay niyo na po sa akin si Kyrous. Kaya ko naman din po siyang alagaan, pasayahin..."
Narinig ko ang buntong hininga niya at nag-iwas ng tingin nang saktong tumunog ang timer ng cellphone ko. Panira ng moment.
Natapos na ang pagluluto ko pero hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin ng mama ni Kyrous dahil may katawagan siya. Sa hapag, silang dalawa lang din mag-ina ang nag-usap patungkol sa trabaho.
"Ako na r'yan, Scarlet." Tumabi si Kyrous sa akin at tinulungan ako sa pag-ayos ng mga pinagkaininan namin sa hugasan. Umalis na kasi ang mama niya.
"Ako na, wala naman akong masyadong ginagawa ngayon," paliwanag ko at nginuso ang sofa sa may living room. "Pahinga ka na lang do'n."
"Alright, then... thank you."
Napangiti ako ng kaunti at tumugon sa pamamagitan ng pagtango.
Madali lang natapos ang paghuhugas ko. Pagpasok sa kwarto ay tahimik akong kumuha ng pamalit na damit para hindi magising ang natutulog na si Cara sa may crib niya.
Gusto kong bumawi sa kanila.
Sa mga sumunod na araw, binago ko ang routine ko. Imbes na sa Gym ay sa bahay na ako nag-work out dahil may mat naman ako at alam ko na ang kailangang gawin para i-improve ang katawan ko. Gusto ko rin sanang magluto pero naunahan ako ni Kyrous ng gising.
"Five minutes and this will be done," pagtawag ni Kyrous sa atensyon ko mula sa kusina. Tinapos ko ang planking at uminom ng tubig dahil gusto kong sabay kami.
"Anong oras ang trabaho mo ngayon?" tanong ko nang makapwesto sa tabi niya.
"Nine. Why? May pupuntahan ka ba? Ihahatid kita."
Umiling ako at nginuso ang labi habang nakatingin sa pagkaing nasa hapag. "Wala naman."
Tahimik kaming kumain. Binilisan ko pa para maihanda ko ang susuotin at gamit niya. Sunod ay nilapitan ko si Cara na gising na at hangkan ni Kyrous.
"Good morning, baby!" masiglang bati ko rito at napatingin kay Kyrous nang ma-estatwa siya.
Agad naman siyang nakabawi at napangiti rin. "Good myorning too, mommy!" siya ang bumati sa akin sa pamamagitan ng pag-baby talk.
Napahalakhak kaming pareho dahil doon at nahinto nang marinig ang cute ring pagtawa ng anak.
"Baby, did you just laugh?" gulat na tanong ni Kyrous sa kanya. Imbes na sumagot, maikling tumawa si Cara at ngumiti ng malawak dahilan para makita ang nag-iisa nitong patubong ngipin.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...