Chapter 40

14.8K 125 3
                                    

Scarlet's POV

Halos maiyak ako nang makita ang nakakalulang mga tanong sa exam. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ako pwedeng bumagsak ngayong malapit na 'ko sa paglipad.

Pumikit ako at kinalma ang sarili. Bigla ay naalala ko ang suportang ibinigay ni Kyrous sa akin kanina at iyong pagtawa ni Cara. Hindi lang para sa akin ang exam na 'to kun'di para sa kanila. Gusto kong maging proud sila sa akin.

Huminga ako ng malalim at muling binasa ang mga tanong. Unti-unti naiintindihan ko ang mga iyon at naging sapat naman ang oras para matapos.

"How's your exam?" tanong sa akin ni LJ nang magkita-kita kami sa Cafeteria.

"Nasagutan ko lahat!" I proudly answered and took the sliced of cake I ordered.

"Naks! Party tayo 'pag pumasa ka, ha?" anyaya ni Khan at humalakhak.

Akmang makikitawa ako nang mahagip ng mga mata ko ang bagong pasok sa double door ng Cafeteria. Kyrous proudly walked while wearing formal tuxedo and an infant carrier. Naroon si Cara. Ang kanang kamay ay alalay sa anak at sa kabila naman, bitbit niya ang maliit na bag at kulay pink. He looks serious yet so hot with that pink bag!

"Move on na raw..."

Gusto kong sagutin si Khan sa pagpaparinig niya sa akin pero hindi ko maalis ang tingin sa bagong pasok. Pumila siya sa counter. Binati siya ng mga estudyanteng nakapila at pinauna na. Nang makuha ang order niyang iced coffee ay nanatili siya roon dahil pinagkaguluhan sila ni Cara.

Napanguso ako. Gusto ko na rin silang lapitan. Napatingin ako sa relo na nasa palapulsuan. Anim na oras pa bago ako makauwi.

"Cara, say daddy. Da... di... daddy," pagtuturo ko sa anak na nasa kandungan. Ako naman ang nakasuot ng baby carrier ngayon dahil lumilikot na siya. Natatakot akong mabitawan siya at bigla siyang gumulong pababa sa kama.

Pero imbes na pansinin ako, ipinukpok niya ang laruan sa iPad na nasa tabi. "Cara, no!" Mabilis kong inilayo ang gadget. "Bad 'yon, okay? 'Wag mo na uulitin," pagkakausap ko rito at umiling-iling.

"Baby, you want to dede na?" tanong ko nang hilain niya ang uniporme ko pababa. Yumuko pa siya at isiniksik ang mukha roon.

Mabilis kong nakuha ang gusto niya kaya inalis ko ang carrier at kinalas ang mga unang botones ng uniporme para makainom siya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang makagat niya ang tuktok ng dibdib ko. Nagkakangipin na siya at masakit iyon. Hindi gaya ni Kyrous na alam kontrolin ang gigil habang sumusupsop.

Uminit ang pisngi ko at ipiniling ang ulo. Bakit ko iniisip ang mga ginawa ni Kyrous dati sa dibdib ko?!

Habang pinapadede si Cara, lumabas si Kyrous sa bathroom. Itim na boxer top at boxer shorts lang ang suot niya. Gumapang siya sa kama at sumandal sa akin sabay niyakap kami ni Cara.

"She missed your milk. Ayaw niyang inumin ang tinempla ko," may halo pang pagtatampo ang boses niya.

Nangisi ako at bumulong, "Ikaw ba? Hindi mo ba nami-miss ang milk ko?"

"Scarlet..." His eyes widened and look at me with surprise. "Are you asking that right now? Anong gagawin mo kapag sinabi kong 'oo'?"

Napanguso ako para pigilan ang pagngisi. "E, 'di papainumin din kita."

I really missed him in bed. But I wonder if he still wants me. Naging busy na kasi siya kay Cara at sa trabaho gabi-gabi. Kaya ako, hanggang pagnanakaw lang ng tingin sa katawan niya ang nagagawa.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang makita ang paggalaw ng adams apple niya. Sunod ay tumango siya. "I'll go and finish my work, then. I will keep in my mind to drink milk later before sleeping."

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon