Scarlet's POV
"Totoo pala 'yang kilay mo. Infairness, ang ayos!" puri ni Zai nang tumabi ako sa kanya. Napansin siguro niya iyon dahil bare face ako.
"I know right!" Humalakhak ako at itinaas baba ang kilay bago kinuha ang make up kit sa bag.
"Nga pala, Scarlet. May seatwork mamaya. Anong sabi ni sir? Excuse ka ba muna?" tanong ni Lyn habang may notebookna hawak.
"Magti-take ako," sagot ko bago sinimulan ang pagsukay ng buhok. "Patingin nga ng notes!" utos ko sa kaibigan at sinimulan ang pagkabesa ng mga sinabi ni Kyrous habang nag-aayos ng buhok at mukha.
Nang matapos ang ilang minuto ay nagsimula na ang pagsagot ng seatwork. Pero, pinaghiwa-hiwalay na naman ang upuan namin. Bago rin magsagot ay pinaharap ang lahat ng bag namin, sinuri ang palad, ibang parte ng katawan kung may mga nakaukit at nakatagong mga sagot at tanging ballpen lang ang gamit na nakalabas para maiwasan ang dayaan.
Nang matapos ay nasagutan ko ang lahat dahil nai-memorya ko ang mga tanong bago pa man magsimula. Hindi na rin ako nagkabesa ng ibang impormasyon kaya 'di na nagulo ang isip ko.
"I'll now record your scores," Kyrous announced while his eyes are focused on his laptop.
"Calais?" tawag niya kay Rave.
"Ten, Sir!"
Umangat ang kanang kilay ko. Hindi niya na-perfect. Wala sigurong nakuhanan ng sagot.
"Cleverio?"
"Fifteen po!" sagot ko at nilingon ang pwesto ni LJ. Nagtama ang mga mata namin pero agad rin siyang umiwas ng tingin.
"Agape?"
Napatigil ako sa paglalaro ng ballpen nang matapos na pagsabi ng score ng mga lalake.
"Perfect, Sir!" sagot ni Khan.
Napangisi ako dahil sa narinig at napatingin kay Anastacia. Nakakunot-noo ito at masama ang tingin sa akin.
"Astria?"
"Fourteen!"
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Lyn. Sinabi ko naman ang tanong sa kanila e. Ano kaya ang mali niya?
"Azarte?"
"Fifteen po!"
"Miss Cleverio?"
"Fifteen, Sir!"
Matapos ang klase ay nagpaalam na si sir. Nang kunin ang bag na nasa harap ay napatingin ako sa mga kaklase nang ibalik na nila ang dating pwesto ng upuan. Inilagay ko ang hand bag sa upan bago nag-ambang buhatin ito para ayusin. Pero inunahan na ako ni Rave. Siya ang nagbuhat at naglipat ng upuan ko sa dating pwesto, sa tabi ni Zhai. Lumipat kasi sila ni Lyn sa harapan kasama ko.
"Sorry, babe," nakangusong sabi niya nang tignan ako.
Inirapan ko lang ito at inilagay ang bag sa arm chair bago umupo. "Nanlalaglag ka na pala ngayon? Kung 'di lang ako ang nanalo kanina malamang nasa Guidance na tayo!" iritado pero mahinang sambit ko.
"Nadala lang ako kay Anastacia kahapon. Magaling din kasi siyang sumubo kaya ayun," dahilan niya na ikinabigla ko.
Gumuhit ang ngisi sa labi ko. Hindi makapaniwala. "Really? So, that bitch is willing to give you a blowjob to get what she wanted?"
"Yes, babe. She flirt with me yesterday. But, I didn't know, she's after to something," para siyang bata na nagsumbong.
"'Yan kasi, puro libog ang palaging inuuna mo!"
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...