Scarlet's POV
"Wow! LV! Totoo 'yan, Scarlet?" Agad na sinuri nina Lyn at Zhai ang bagong biling pulang handbag ko.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Yup! Isa sa mga bagong labas nila. Galing 'tong Hong Kong. Binili namin kagabi," pagkikwento ko bago umupo.
"Ang sosyal mo naman, sa ibang bansa ka pa bumibili ng ganito!" puri ni Lyn dahilan para mahina akong matawa.
"'Di naman," sagot ko at isinalpak ang bagong earpods sa tenga at binuksan ang bagong model ng phone na binili ni Kyrous para sa akin.
"Bago rin pala ang phone mo?! Ang yaman mo naman pala, Scarlet!" manghang saad ni Zhai matapos ibalik ang bag ko sa akin.
Napangisi ako at inayos ang bag. Mahirap na baka magasgasan. Bagong bili lang 'yon! "Hindi naman sa mayaman. Regalo lang 'to sa akin kasi na-perfect ko 'yung quiz natin kahapon," pagtanggi ko at inihiga ang ulo sa desk ng upuan dahil kaninang umaga pa masakit ang ulo at puson ko.
"Tulog muna ako. Pakigising na lang ako 'pag dumating na si Sir Kyrous," pakiusap ko sa kaibigan.
Madaling araw kasi kaming bumyahe at nakarating ni Kyrous dito sa Pilipinas kaya kulang ang tulog ko. Idagdag pa ang pamilyar na pagsakit ng puson ko hudyat na malapit na kong magkaroon. Kaya kung kahapon ang swerteng araw ko, ngayon ay minalas agad.
"Scarlet! Ayan na si Sir! Gising na!"
Tamad kong ibinangon ang ulo ko nang yugyugin ni Zhai ang balikat ko. Ipinikit ko ang mga mata ko ng ilang segundo at hinilot ang ulo ko dahil masakit pa rin ang ulo ko. Mas humigpit ang hawak ko sa puson nang tumayo para batiin ang kakapasok na guro.
"Before we start to our new lesson, I want to congratulate all of you for doing good at our recent quiz. Especially to those who got perfect scores. Good job, everyone!" Kyrous announced that made my classmates clapped their hand and celebrate.
"Sir!" Kumunot ang noo ko nang may magsalita.
"Yes, Ms. Cleverio?" Kyrous asked at Anastacia.
Dahil sa kuryosidad ay napalingon ako kay Anastacia kahit na tinatamad akong kumilos.
Anastacia's eyes went on me and I saw how she smirked before he return his gaze at Kyrous. "Scarlet leaked the quiz paper. She and her friends cheated that's why they got perfect score!" she announced that made my eyes widened. Nagsimula na ring umingay ang klase namin dahil sa pagkagulat at chismis.
"Ms. Agape."
Napatingin ako kay Kyrous nang tawagin niya ako. "Sir, 'di po totoo 'yon. 'Di lang po matanggap ni Anastacia na mas mataas kami kaysa sa na kanya," sagot ko at binigyan ng masamang tingin si Anastacia.
"I saw it on Rave's phone! You sent it to him and just deleted your message after you saved it para magmukhang wala kang ginawang kasalanan!" paratang ni Anastacia dahilan para mapatingin ako kay Rave. "Don't deny it, bitch! He already admitted it to me yesterday!"
"That's enough, Ms. Cleverio!" Kyrous made her stop then he looks at me.
Imbes na magsalita para ipagtanggol ang sarili ay umirap lang ako. "Bahala kayo, sir!" sagot ko at inilagay ang bag sa kandungan para ipatong sa puson.
"I don't like the attitude of the both of you," he started. "For this case to fix, both of you will take a quiz now and for whoever got the higher score, she will be the one I will trust."
Mas lumakas ang pagpinting ng ugat sa ulo ko dahil sa sinabi ni Kyrous. Kainis naman! Bakit uulitin pa 'yon?
"Sure, sir! Para magkaalaman na kung sino talagang matalino at nandadaya lang para magmukhang matalino." Anastacia stood up and in a second, she's standing in front of me.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...