Chapter 24

19.7K 123 71
                                    

Scarlet's POV

"Go there and seat, Scarlet. Let me carry all of these," utos ni LJ sa akin nang makakuha ng meryenda. Matapos ko kasing ipagamot sa Clinic ang sugat sa labi ko at ang paghapdi ng pisngi ko ay rito kami dumiretso ni LJ. Kaming dalawa ang ang estudyante dahil ang lahat ay nagkaklase pa.

Pagkaupo ko ay agad kong kinuha ang plato ng pancake pati na ang bote ng maple syrup na pinakiusap kong ibigay muna sa akin. Dahan-dahan kong ibinuhos ang bukas na bote at hinayaan iyong dumalusdos pababa sa sampung patong ng pancake na nasa plato. Nanuyo ang lalamunan ko at agad na tinikman iyon gamit ang tinidor. "Hala! Ang sarap!" Muli akong sumubo at napapikit pa habang nginunguya iyon.

"That's your favorite?" tanong ng kasama habang kumakain din ng kanya.

"Medyo! Bihira lang kasi akong makakain ng ganito rati at madalas, chocolate syrup lang ang nilalagay. Kaya ngayon hiningi ko pa 'to at ang sarap talaga! The best 'tong maple syrup!" maligayang pagkikwento ko at muling naghati at tumusok ng pancake sabay lagyan ng maple syrup, na hawak ko naman sa kaliwang kamay, bago sinubo.

Ngumiti lang siya at sinabayan akong kumain.

"Oh look who's here, Kyrous!"

Napalunok ako at kapwa kami napalingon ni LJ sa mga bagong dating. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba nang magtama ang paningin namin ni Kael.

"Oh, bitch, you're a student here?!" gulat man pero nakangisi ito at tuwang-tuwa sa nalaman.

Halos tumayo ako nang umupo siya sa tabi ko. Pero agad niyang inilagay ang braso sa balikat ko. "What's up, LJ?" tanong ni Kael sa kaharap.

"Kael, come here!"

Umusog ako palayo nang hilain ni Kyrous si Kael. "Why so territorial, Kyrous? Don't you like it when someone is touching your slut?"

"Shut up! She's not a freakin' slut!" banta ni Kyrous na mas ikinalawak ng ngisi ni Kael.

"What, then? She's your baby girl and you are her... sugar daddy?" tukso nito kay Kyrous dahilan para mas dumilim ang awra nito.

Napayuko lang ako at ibinaba ang tinidor. Bigla akong nawalan ng ganang kumain dahil sa prisensya niya.

"And you, LJ? The fuck?! Seriously, you ditch your class just to have a date with that slut? I didn't know that you will be this cheap, Attorney!" panlalait naman ni Kael kay LJ. Ikinuyom ko ang kamao ko na nas ibabaw ng hita. Napakayabang niya!

Napaangat muli ako ng ulo nang magsalita si LJ. "So, what? Mind your own business, asshole!" walang gana at iritadong sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain ng pancake. Napanguso ako at muling nagutom. Gusto ko nang kumain ulit.

"Hey, how much you want, huh?"

Inangat ko ang kamay para kunin ang tinidor at 'di na pinansin si Kael.

"I'm asking you, bitch!"

Nagsalubong ang kilay ko nang unahan niya ako sa pagkuha ng tinidor at itinapon niya iyon sa kung saan.

"Ano ba?! Ba't ka nangingialam?!" 'di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa inis.

"Look who's talking! Gan'yan talaga kayong mga sidechick, 'no? Kayo pa ang matapang, e kabit lang naman kayo!" makahulugang sagot niya at humalakhak kahit wala namang nakakatawa.

"Mister Lorcan, your order is ready."

"Get your ass out of here, Kael," maawtoridad na utos ni Kyrous sa kasama bago niya pinuntahan ang nagtawag sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin pero nanindig ang balahibo ko nang lumapit si Kael sa akin at yumuko sa tapat ng tenga ko. Akmang lalayo na ako nang isinandal niya ang braso sa kabilang gilid ko para pigilan ako.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon