Chapter 32

14.2K 127 17
                                    

Scarlet's POV

"You really cut and dye your hair?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyrous matapos alisin ang pagkapusod nito. Hinaplos niya iyon at pinalandas sa mahahabang daliri niya.

Napanguso ako at hinuli ang kamay niya. "Sorry. Hindi ko kasi binasa noon 'yong rule book kaya heto. Ganito kasi kami dati ni Danna no'ng hindi pa ako nag-aaral dito," malambing na paliwanag ko.

"It's okay." Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti ng kaunti. "Maganda, bagay rin sa 'yo 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko at napangiti rin. "Talaga? Thank you!" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

"But, that should be temporary. Ayos lang ang kulay brown. Basta 'wag 'yang mga ganyan," paliwanag niya, tumango lang ako at iniba ang usapan.

"By the way, Kyrous. Nakita mo na si... ate?" Napakagat labi ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"Yes, kaninang madaling araw. Pinuntahan ko muna siya bago ako bumalik sa 'yo."

"S-sa akin?" kunot-noong tanong ko.

Tumango ito at napangiti kaso malungkot pa rin ang mga mata niya. "I waited for you last night. But, it's okay. I know you enjoyed celebrating your birthday. Ikinuwento sa akin ni LJ via message."

"Buti pa 'yong message niya binabasa mo," nagtatampong sagot ko.

"Kanina ko lang nabasa 'yon. Ikaw kaya 'yong pinaka-una kong tinawagan kanina!"

"Talaga?" hindi naniniwalang saad ko at napangiti.

"Yeah. By the way, sasama ka mamaya sa akin mamaya. Uuwi tayo sa probinsya niyo. Naroon na si Serenity."

Nakaramdam ako ng magkahalong lungkot, kaba at pananabik dahil sa sinabi niya. "Sige. Pero, Kyrous, p'wede bang saglit lang ako roon? Gusto kong mag-aral dito. 'Wag kang mag-alala, maghahanap agad ako ng matutuluyan. Hindi na sa bahay mo."

"Yeah, that's also my plan. But, you don't have to worry about your shelter. May binili akong condo unit na malapit lang dito. Pupuntahan natin iyon bago tayo bumiyahe."

"Doon ako titira?" umaasang tanong ko. "Pero, wala akong pera pambayad ng expenses, Kyrous."

"Ako na ang bahala sa lahat. Bibigyan kita ng allowance every month."

Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Anong kapalit?"

"Galingan mo lang sa klase. Gusto kong grumaduate ka, Scarlet."

Mabilis kong tumango at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. "Magiging flight attendant ako," pangako ko, na mas ikinangiti niya.

Gaya ng napag-usapan, nang mai-dismiss ang klase namin ay itinext ko si Kyrous. Kaso pagkalabas ko ng classroom ay naroon siya. Mas lumakas ang bulungan ng mga kaklase ko nang sabay kami ni Kyrous na lumabas at sumakay sa kotse niya. Nang maisarado ang pinto ay doon ko lang siya natanong.

"Kyrous, bakit mo pa ako sinundo? Baka mas lumala 'yong consequence mo."

"Why not? Alam naman na nila, so what's the point of hiding?" walang pakialam na sagot niya at binuhay ang kotse. "And the consequence, don't worry about it. Sesermonan lang ako."

"Hindi ka aalis dito?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi pa. Tsaka na, kapag gradute ka na. Do'n, titigil na akong magturo," sagot niya bago pinaandar ang kotse. Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Kumain kami sa isang restaurant bago dumiretso sa pamilyar na condominium. Sumakay kami ng elevator at huminto sa isang kwarto. Sa room 344. Sumulyap ako sa katabing kwarto, parang nakapunta na ako roon. May ibinigay sa aking susi at card si Kyrous. May nakaimprentang numero roon.

Desiring His Ruthless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon