Simula

21.2K 232 1
                                    

Palma de Mallorca, Spain

"Abuela!" masayang hiyaw ni Imari sabay kaway rito. Her grandmother was standing on the second floor of the terrace.

Her abuela's face immediately brightened when she saw her and waved back.

"Gracias, Mang Matias!" baling niya sa matandang tauhan ng kanyang abuelo't abuela, na siyang naghatid sa kanya pauwi mula sa plantasyon ng ubasan.

Kinuha niya rito ang katamtamang laki ng basket na may lamang mga berdeng ubas. Ito ang gusto niya sa lahat ng variety ng ubas na mayroon ang kanyang abuelo't abuela dahil sa matamis iyon.

"Walang anuman, Senyorita Imari. Maiwan ko na po kayo dito," yukong saad ni Mang Matias sa kanya saka siya tinalikuran.

Halos lahat ng tauhan ng kanyang abuelo't abuela magmula sa mga negosyo at sa kasamabahay ay purong mga pinoy. Ang kanyang abuela mismo ang may gusto na kumuha ng mga pinoy na tauhan dahil sa purong pinoy din ito at upang makatulong din daw ito sa mga kababayan nito. Her grandfather did not regret it because he saw how hardworking and dedicated they were, which even she saw. 

"Ako na ang magdadala ng mga iyan sa kusina, Senyorita Imari," saad ng isang kasamabahay na kalalabas lang mula sa entradang pintuan ng mansion.

"Ako na, Ate Lani. Hindi naman mabigat, e," tanggi niya.

"Ako na, senyorita, dahil gusto ka raw po makausap ng iyong abuela at naghihintay siya sa iyo sa terasa." Kinuha nito ang kanyang dala saka nagpaalam na mauuna na. Sumunod din naman siya rito.

After Imari entered the mansion, she immediately walked up the grand staircase with a red carpet in the middle of it while a unique design was engraved on each of its white cement railings. The mansion has a modern Spanish style because of the place of origin. Mayroon ding mga roman goddesses statue sa ibang sulok ng bahay na siyang koleksyon ng kanyang abuela.

"Abuela," Imari called when she reached the terrace and saw her abuela sitting elegantly while reading a book. Sa kabila ng edad nito, hindi pa rin nawawala ang hilig nito sa pagbabasa ng libro na siyang nakahiligan niya rin simula nang siyay bata pa.

"Mi nieta, Imari," sambit nito pagbaling sa kanya. Inilahad nito ang harapang upuan saka siya naglakad palapit roon at umupo.

"You have something to say, abuela. What is that?" Pansin niya sa kulay kapeng mga mata nito ang pag-aalala nang matitigan iyon.

Her abuela closed the book and carefully placed it on the table next to her tea. She sighed and stood up, then approached the railing of the terrace. Malayo ang tanaw nito na tila may mabigat na dinaramdam. "Imari....your sister," anito, nanatili ang paningin sa tanawin na nasa harapan.

Kinutuban si Imari sa nabasang pag-aalala sa boses nito. "What about her, abuela?"

Pumihit ito paharap sa kanya. "Your father just called and he said your sister is missing."

Gayon na lamang ang paglukob ng kaba at pag-alala sa dibdib ni Imari para sa kanyang kapatid. Dalawa lang sila magkakapatid at hindi malapit sa isa't isa, pero hindi dahilan iyon para hindi siya mag-alala rito. Hindi sila magkasama nitong lumaki dahil nasa pangangalaga ito ng kanilang ama. Habang siya, nasa pangangala ng kanyang abuelo't abuela, magulang ng kanyang ina. At ang malaman na nawawala ito'y nagbigay ng kakaibang pangamba sa kanya.

"W-What do you mean she's missing, abuela?" Did someone abduct her sister? That is not impossible because of their father's position.

"Ang sabi lang ng iyong ama ay wala na ang ibang gamit nito't maging ang ibang dokumento tulad ng kanyang pasaporte. Kaya ang hinala niya'y umalis ito ng bansa."

"How sure is Papa? Does her husband know that she is missing?"

"Yes, Imari, and he is the one who called your father to let him know what your sister did and that he is now furiously mad with your sister."

Goodness! Why did her sister do that? Ano ba ang pumasok sa kokote nito upang umalis ng bansa? Ilang buwan pa lamang kasal ito, pero heto na ang ginawa nito. May ginawa bang masama ang asawa nito para umalis ito?

Wala siyang sapat na kaalaman sa kung ano at paano nagsimula ang relasyon ng kanyang kapatid sa naging asawa nito. Ang tanging alam niya lang ay kinasal ang mga ito sa huwes at madalian ang nangyari. Maging ang kanilng abuelo't abuela ay hindi rin imbitado. Siguro dahil hindi na maganda ang relasyon ng mga ito sa kanilang ama simula nang mamatay ang kanilang ina.

"If so, where is Amari, abuela?" puno ng pangamba niyang tanong.

"I don't know either, Imari. I told this to your abuelo and he is already working to find your sister wherever she is now." Kaya din siguro sinabi ng kanilang ama sa kanilang abuela na umalis ang kanyang kapatid ay para matulungan ito. Hindi lingid sa kanya na mas makapangyarihan ang kanilang abuelo at maraming koneksyon ito sa mundong ginagalawan nito kumpara sa kanilang ama.

"I'm worried about her, abuela." Inabot ng abuela niya ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa at mariin na hinawakan iyon, nagpapakalma.

"I know, Imari. I know. Even your abuelo and I are worried about your sister's situation wherever she is now." Marahan na pinisil-pisil ng hinalalaki nito ang kamay niyang hawak.

"I hope abuelo finds her soon."

"We will pray for your sister's safety, Imari."

Amari. What's going on with you? Where are you now?

Sa loob ng dalawampu't walong taon na nabubuhay sila ni Amari sa mundong ito, dalawang beses pa lamang sila nagkita ng personal dahil sanggol pa lamang sila'y pinaghiwalay na sila ng kanyang ama. Their first meeting happened on their eighteenth birthday and the second was when she graduated from college in Paris. Kahit ang pakikipag-komunikasyon nito sa social media o sa kahit na ano ay hindi nito ginawa. At kung siya naman ang tumatawag dito'y hindi rin naman siya nito sinasagot. Kung hindi pa gumawa ng paraan ang kanilang abuelo noon para makapunta lang ito dito sa Mallorca at magkasama nilang ipagdiwang ang kanilang kaarawan at pagtatapos ng pag-aaral, nunka magkikita sila nito. Pero ang kanilang ama, ni isang beses ay hindi pa niya nakita ng personal. Tanging sa mga larawan sa pahayagan at telebisyon lang niya nasisilayan ang gwapong mukha nito.

Batid ni Imari ang dahilan kung bakit nandito siya sa poder at pangangalaga ng kanyang abuelo't abuela. Simula nang mamulat siya't naintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid, doon sinabi ng kanyang abuela ang lahat kung bakit hindi niya nakasama ang kanyang ama't kapatid. Kung bakit ganoon na lamang ang poot at galit ng kanyang ama sa kanya magpahanggang ngayon.

At hanggang ngayon, ipinagdarasal pa rin niya sa Diyos na sana dumating ang araw na mapatawad siya at matanggap ng kanyang ama. Na sana matanggap din nito na kailanman ay hindi niya ginusto ang nangyari at wala siyang kasalanan.

Masakit, dahil magpahanggang ngayo'y pinagbabayaran niya ng malaki ang bagay na hindi niya ginawa. Ipinaparamdam sa kanya ng kanyang ama na tanging si Amari lang ang anak nito at siyay hindi. Masakit, at sa araw-araw ay nasasaktan siya, pero anong magagawa niya? Ano ang magagawa niya kung iyon na ang nakamulatan niya?

Nakakatawa lang dahil daig pa niya ang nawalan ng magulang sa ginawang pag-abandona ng kanyang ama sa kanya. Pareho lang naman sila ni Amari, pero bakit ang kapatid niya ay tanggap nito? Bakit siya hindi? Kung kasalan niya, 'di ba kasalanan din ni Amari? Oras lang naman ang pinagkaiba sa kanila nang ipinanganak sila, pero bakit siya ang inabandona at isinisisi sa lahat?

Why is the world so unfair to her?

And now......Amari is missing?

©L A D Y  L E N E

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon