Kabanata 9

8.7K 172 5
                                    

"Wow! Ang sarap, Imari! Grabe, 'di ko akalain na magaling ka pala mag-bake. Alam mo puwede kang magtayo ng pastry shop mo. Bakit hindi ka humingi ng pangkapital sa asawa mo?" nasasarapang ani sa kanya ni Eiren nang ipatikim niya rito ang bagong gawang carrot cake.

Masaya siya dahil dinalaw siya nito at kasama pa ang kapatid nitong si Ethan.

"Well, other than painting, this is also one of the things I do when I'm not painting. And to answer your question about asking Rouge for business investment is not a good idea, Eiren. You know that he's not my husband," pabulong aniya rito. Natatakot siya na baka marinig sila ng mga tauhan na nasa labas.

Hindi rin niya ugali ang umasa sa iba dahil kung gugustuhin niya, kaya naman niyang gawin iyon. Kaya lang, past time niya lang ang pag-babake.

"Hmm! Ang salap salap, Tita Imali." Sabay silang napalingon ni Eiren sa puwesto ni Ethan na nasa dining table habang nasa kitchen island silang dalawa. He devoured the two slices of carrot cake she gave. Ethan is eighteen years old already, but he is not like other teenagers. He has down syndrome, but even so, he is very sweet and obedient to his sister, Eiren.

"Talaga? Gusto mo pa ba, Ethan?" Mabilis na tumango-tango ito habang matamis na nakangiti. Nilapitan niya ito't binigyan ulit.

"Panghuli na 'yan, Ethan. Hindi ka na gaganahan kumain ng tanghalian niyan," saway ni Eiren, nilapitan na rin ito't nilinis ang ibang nahuhulog nitong cake.

"Opo. Last, ate. Last," anito.

Napapangiti si Imari habang nakatingin sa magkapatid. Noon pa man, may parte na sa puso niya na umaasa na sana ay magkaroon sila ng normal na relasyon ng kapatid niya. Iyong laging nagtatawagan kahit malayo sa isa't isa. Iyong nagkakausap sa lahat ng bagay. Iyong nagkukulitan, at higit sa lahat nagtutulungan sa lahat ng bagay. Iyon ang wala siya noon pa man hanggang sa nakamulatan na niya ang uri ng relasyon meron sila.

"Ethan is very lucky to have a sister like you, Eiren," aniya.

"No, Imari. I am the lucky one because he was given to us." Nakangiting ginulo nito ang buhok ni Ethan. "He is the one who gives me strength whenever I feel like giving up and he is the one who always makes us happy. Na kahit ganito lang ang buhay namin at hindi kagaya ng ibang binata si Ethan ay ipinaramdam niya sa amin na hindi balakid ang lahat ng pinagdaanan namin basta magkasama kaming tatlo ng Ate Ellena niya." Kung gayon, napaksuwerte ng mga 'to sa bawat isa.

"I hope our relationship with Amari is like yours, Eiren." Bakas ang kalungkutan sa boses ni Imari. Kambal man silang ipinanganak, ngunit magkaiba ang buhay na kinalakhan nila.

Iniwan muna ni Imari ang magkakapatid at bumalik sa kusina upang ayusin ang mga pinaggamitan niya sa pag-bake. Naghuhugas siya nang makarinig ng pagkatok sa pinto at bumukas iyon. Tumigil siya't tiningnan kung sino ang pumasok. Nasa sala ang magkapatid at nanunuod ng movie. Nakita niyang pumasok roon si Yura na may dalang malaking box ng laruan.

"Kuya Yula!" masayang hiyaw ni Ethan saka patakbong sinalubong nito si Yura.

"Hey, big boy. Good morning, Imari!" Natigil sa pagpupunas ng kanyang kamay si Imari nang marinig ang itinawag sa kanya ni Yura. Nabingi lang ba siya o naghahalusinasyon kung kaya't iba ang naririnig niya?

"G-Good morning," bati niya, kinakabahan.

Bumaling siya kay Eiren na may pagtataka. May sinabi ba ito sa nobyo nito? Mukhang napansin ata nito ang nagtatanong niyang tingin na agad nito ikinailing at umaktong isinasara pa ang bibig.  "What do you want to drink, Yura? Water, soda, juice, coffee, or beer?" pag-alok niya ng maiinom, pilit binalewala ang narinig dito.

"No, thank you. I just came here to give it to Ethan so you and Eiren can talk properly and Ethan won't get bored," paliwanag nito.

Nakikita ni Imari kay Yura ang pagpapahalaga nito kay Eiren at sa mga taong mahal sa buhay ng nobya nito. She knew it was wrong, but she couldn't help but feel jealous of Eiren's situation. She couldn't fully imagine that despite Eiren's status in life, the people around her loved her, especially the love she got from her siblings even though they were orphans. Unlike her, who depends on two people who want to feel the love for them.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon