Kabanata 1

13.5K 207 2
                                    

TATLONG araw na ang lumipas matapos ipaalam ng kanyang ama sa kanyang abuela ang pagkawala ng kanyang kapatid. Tatlong araw na rin pinapahanap ng kanyang abuelo kung nasaan ito. The last news they received from the person her grandfather had ordered to trace her sister's last transaction was that she had flown to Dubai. And their abuelo does not stop to find her and return her to her husband.

Nagpaalam si Imari sa kanyang abuela na pupunta ng sentro para bumili ng ibang gagamitin niya sa pinaplanong bagong ipipinta. The other color of her acrylic paint was run out and even the other brush that she always used was worn out so she had to buy a new one. Hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang abuelo dahil maagang umalis ito papuntang planta kung nasaan ang paggawaan at imbakan ng mga na aning ubas upang gawing alak.

Sakay ang kotse na iniregalo sa kanya ng kanyang abuelo noong nakapagtapos siya ng kolehiyo ay minaneho niya ito't tinahak ang sementadong daan pababa ng sentro. Her grandparents' mansion was located in the high part of Mallorca so she had to drive thirty minutes just to get to the center. Her grandfather came from a well-known and wealthy family here in Palma de Mallorca and owned half a percent of the land where the extensive and hectare vineyard was located.

Ipinarada ni Imari ang kotse sa parking space pagkarating sa shop kung saan siya bibili ng mga gamit. Pagkapasok niya sa loob, pumailanlang agad sa pandinig niya ang slow-mid tempo love song, ang Hoy Tango Ganas De Ti, na siyang isa sa paborito niyang classic love songs. Bumungad rin sa paningin ni Imari ang mga estudyanteng mamimili. Hindi lamang kasi gamit sa pagpipinta mayroon ang shop dahil kompleto ito mula sa mga school supplies, libro, at kung anu-ano pa. Kalahating parte din nito'y ginawang cafe para tambayan sa mga mahihilig magbasa.

"¡Hola Imari! ¡Buen día!" bati sa kanya ng isang tauhan ng shop na siyang kilala na niya dahil dito siya laging bumibili ng mga gamit.

"¡Hola Josie! ¡Buen día!" ganting bati niya sa dalaga.

"Pintar materiales de nuevo?" nakangiti nitong pagkomperma. Libro at gamit sa pagpipinta lang naman niya ang binibili palagi dito.

"Sí," ganting ngiti niya.

"Bueno, te lo dejo a ti para que elijas."

"Gracias, Josie." Agad niya pinuntahan kung nasaan nakalagay at nakahelira ang mga gamit sa pagpipinta. Kumuha rin siya ng basket para paglagyan sa mga mapipili.

Abala sa ginagawa si Imari at tutok sa mga gamit na pinipili nang marinig niya ang ingay sa kanang bahagi. Napatingin siya roon at nakita ang tatlong kabataan na tila nagtutulakan sa kung sino ang mauna. Natigil ang mga ito nang makitang nakatingin na siya. Sabay na napakamot pa sa kanilang mga batok ang mga 'to habang napapailing na ibinalik niya ang tingin sa hawak na mga paint brush, sinusuri. Ilang sandali lang ay may lumapit sa kanyang at kinuha muli ang kanyang atensyon.

"Uhm, excuse me, miss," dinig niyang saad.

"Yes?" aniya. Hindi man lang niya tiningnan ito at nagpatuloy sa pagpili. Alam niya na isa sa tatlong binatilyo ang lumapit sa kanya.

"May I know your name, miss?" lakas loob nitong sabi.

She knew they were taller than her, but couldn't they see that she was older than them? She turned and faced him. Imari saw the young man's mouth open as he stared at her face, even his two companions who were behind him.

"Tan hermosa," wala sa sariling saad nito.

She just shook her head at what she heard. Mga kabataan nga naman. She was about to speak when her eyes were caught by two men with huge bodies and tattoos all over their arms, who were approaching their place. Numumutok ang mga muscles ng mga ito sa suot na fitted black t-shirt. Mahilig at mahal ni Imari ang arts kaya nga iyon ang tinapos niyang kurso, ngunit sa nakikita niya sa kabuuan ng dalawang lalake, takot ang kanyang naramdaman. Mukha mga itong wrestler na isang hampas lang sa kanyay madudurog agad ang maliit niyang katawan.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon