Kabanata 16

10.8K 196 12
                                    

HINDI pa rin lubos maisip ni Rouge na ang babaeng akala niya'y asawa niya ay ang babaeng una niyang nakita sa Paris. Tinunga niya ang panghuling baso na may lamang whiskey.

"Give me another bottle of whiskey, Jhon," utos niya sa bartender ni Luca. Masyadong maingay ang kanyang paligid dahil sa bar counter lamang siya umupo. Agad tumalima ito at ibinigay sa kanya ang isang bote ng whiskey. Binuksan niya iyon at nagsalin sa kanyang baso.

Luca told him everything, even Imari's whole being. Why is she under the care of her grandparents and does not carry her father's last name. Sa tuwing naiisip niya pa lang ang mga 'yun ay umiinit agad ang dugo niya't namumuhi sa ama nito. What kind of father do they have? Si Amari na ginagamit nito sa pansariling interes para makakuha ng mataas na posisyon sa politika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kilala at mabigat na kaalyado. Si Imari na hindi kinilala nitong anak at hindi pinaalam sa mga kakilala ang tunay na pagkatao nito. Paanong isang ama kayang saktan at dungisan ang pagkatao ng kanyang anak? Paanong isang ama'y kayang itakwil at alisan ng karapatan ang sarili niyang dugo't laman? Na kahit makasira ng pamilya ang anak nito'y walang pakialam, makuha lang ang gusto nitong makuha. Na kahit saktan ng paulit-ulit ang anak nito, basta sumunod lang sa pinag-uutos nito. Masyadong ganid at sakim sa kapangyarihan ang ama ng mga 'to.

Kinuha ni Rouge ang kanyang cellphone at may tinawagan. Dalawang beses lamang tumunog iyon nang sagutin nito ang kanyang tawag.

"Yow, my dear cousin!" bungad nito. Magkatulad ito ng ugali kay Luca, maingay at abnormal. Dinig niya ang ingay sa paligid nito. Hiyawan na tila nagpupustahan at mga sigawan na tila may naglalaban-laban.

"I have something for you to do, Hugo." Ang pinsan niyang ito ang maraming kilala sa black market at kung sino-sino ang meyembro at customer doon.

"Tss! May ipatutumba ka ba?" Kung meron man, hindi niya ipagagawa rito. "Dalhin mo na lang dito at ng mapagkikitaan ko." Ramdam niya ang nakakaasar nitong ngisi. Ayaw na ayaw niyang nakikita itong ngumingisi dahil mukha itong si Satanas. Ang ama nito ay siyang bunsong kapatid ng kanyang ina.

"No. May ipapahanap ako sa'yo sa black market. I'll send you the details and I want to know all his transactions if there are any and evidences."

"Aye, aye, captain! Oh, what's my reward by the way? I want one of your yatch, dude!"

"Do what I said first and you'll like what you get in return."

"Wise! Tsk! Ciao!" At pinatay nito iyon. Ipinasa niya agad dito ang buong detalye ng taong tatrabahuin nito. He wanted him to get information on that person as soon as possible. 

Inikot-ikot ni Rouge ang laman ng kanyang baso habang tinutunaw niyon ang yelo. In one week that he didn't come home to the penthouse, he felt the emptiness in his heart and whole being. It wasn't enough for him to just hear from Joric about her condition, but he endured it. He was worried that she hadn't been eating for the past three days, so he asked Eiren who was close to her to accompany her and take care of her first. Hindi pa niya kayang umuwi. Hindi pa niya kayang harapin ito at natatakot sa maaaring sabihin nito sa kanya. Hindi niya kayang makita ang galit nito sa kanya, ang pagkamuhi. Hindi niya kayang makita ang sakit sa mukha nito. Hindi niya kayang maisip na siya mismo nagawa iyon sa babaeng mahal niya.

"One margarita, please," dinig ni Rouge sa babae sa kanyang tabi.

Hindi niya pinansin iyon at tumunga uli. Amoy niya ang pambabaeng bango nito, na siyang pamilyar sa kanya. Nagsalin siya muli sa kanyang baso at akmang iinumin uli iyon nang matigil sa ere ang kanyang kamay dahil sa sinabi ng katabi.

"How does it feel, Rouge?" Marahang niyang ibinaling ang paningin rito. Ganoon na lamang ang pagtiim ng kanyang bagang nang makita ang mukha nito. "Masakit ba ang kamuhian ng kapatid ko?"

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon